Connect with us

Entertainment

John Prats at Isabel Oli, Ipinagdiwang ang Ika-2nd Kaarawan ng Kanilang Pangalawang Anak na si Freedom

Isang masayang okasyon ang naganap nito lamang Lunes, ika-14 ng Disyembre sa pamilya ng celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli. Ito nga ang pagdiriwang ng 2nd birthday ng kanilang anak na si Freedom.

At ang masayang pagdiriwang sa espesyal na araw ni Freedom, ay ipinasilip ng mag-asawa sa kanilang Instagram account. Makikita sa mga larawang ibinahagi na isang animated musical movie na “Over the Moon” ang naging tema ng selebrasyon.

Napakasarap namang pagmasdan ng pamilya nina John Prats at Isabel sa bawat larawan. Kasama nga ng mag-asawa ang kanilang mga anak na sina Feather, Forest at siyempre ang may kaarawan na si Freedom.

Samantala, nagbigay naman ng nakakaantig at napaka-sweet na mensahe si Isabel na punong-puno ng pagmamahal para sa kanyang anak na si Freedom. Inilarawan nga ni Isabel ang magagandang katangian ng anak, isang malambing, masayahin at mapagmahal na bata.

“This not-so-little boy never fails to make us giddy. He always has this certain charm to melt our hearts. He may seem tough on the outside but he has the sweetest, wittiest and most loving heart. He loves creating his own words or shall we say he has his own vocabulary. Isn’t he adorable?”

Ang tanging hiling naman ni Isabel para sa anak, ay nawa’y gabayan at ingatan ito ng Diyos hanggang sa paglaki.

“I pray that God will always bless him, protect him and give him godly wisdom as he grows. And I pray too, that he will be a MAN after God’s own heart. I love you forever my bochok. Happiest birthday to you, my son, @FreedomPrats.”

Ang aktor namang si John Prats, ay nagpaabot rin ng pagbati kung saan ay nilakipan ng larawan ng kanyang anak . Aniya, mahal na mahal niya ang anak at nangako na babawi na lamang ito sa kanyang pag-uwi.

“Happy happy birthday sa aking only boy @freedomprats. Mahal na mahal kita anak. Promise babawi ako pag-uwi ko.”

Noong ika-25 ng Nobyembre ang mismong araw ng kapanganakan ni Freedom, at ngayon nga ay dalawang taong gulang na ito.

Matatandaan na ikinasal sina John Prats at Isabel noong May 16, 2015. Ang kanilang pagsasama naman ay biniyayaan ng tatlong anak. Ang panganay na si Feather, apat na taong gulang. Si Freedom ang pangalawa na ngayon ay 2 taong gulang na. Ang bunso naman na si Forest ay apat na buwang gulang pa lamang.

error: Content is protected !!