Connect with us

Entertainment

John Lolyd Cruz, Naispatang Kasama Ang Rumored Girlfriend Na Si Isabel Santos at Anak Niyang Si Elias Modesto

Si John Lloyd Cruz ay 38 taong gulang na aktor, modelo at occasional TV host at dati ring miyembro ng ABC’s Star Magic. Sa tagal ng panahon ng kanyang pagkawala sa industriya ng showbiz ay nagbabalik siya bilang isang Kapuso sa GMA Network kung saan una siyang nakilala noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

CREDITS: John Lloyd| IG

Matatandaan na bumida na rin siya sa malalaking pelikula tulad ng Tabing Ilog kung saan mas lalong nakilala ang kanyang pangalan na naging daan para magkaroon pa siya ng maraming proyekto tulad ng pagganap niya sa It Might Be You, Maging Sino Ka Man, I Love Betty La Fea at Imortal. Nakatambal rin ni John Lolyd ang mga kilala at mahuhusay na aktres tulad ni Kaye Abad, Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga at Sarah Geronimo na talagang naghatid sa kanya sa rurok ng tagumpay.

CREDITS: John Lloyd| IG

Ngunit, sa kabila ng kanyang matagumpay na karera, ay pansamantala niyang iniwan ang showbiz. Kaya naman, sa kanyang pagbabalik ay marami sa kanyang mga tagahanga ang talagang sabik na muli siyang masilayan sa telebisyon. Marami rin ang nakaabang sa buhay pag-ibig ng aktor, ngunit tila ba tahimik parin ito sa usaping puso hanggang ngayon.

CREDITS: Isabel Santos| IG

Sa kabila ng tikom na bibig sa buhay pag-ibig ni John Lloyd, ay hindi makakaila ang romantikong ugnayan ng aktor sa Filipino artist na si Isabel Santos, na kilalang canvas maker. Unang nakitang magkasama sina John Lolyd at Isabel noong 2017 sa isang exhibit. Naiulat na muling nagkasama ang dalawa noong Nobyembre taong 2021 at nasundan pa ito nang dalhin ni John Lolyd si Isabel sa christmas party ng Crown Artist Management noong Disyembre noong nakaraang taon.

CREDITS: Isabel Santos| IG

At kamakailan lamang nga, ika-22 ng Pebero ay muling lumikha ng ingay sa social media ang napapabalitang magkasintahan matapos magpost ng bagong larawan ni Isabel nakasama si John Lolyd at ang anak nitong si Elias Modesto. Si Elias ay anak ni John Lolyd kay Ellen Adarna na kasalukuyang masaya sa buhay may asawa kasama si Derek Ramsey.

CREDITS: Isabel Santos| IG

Sa mga lawarang makikita sa Instagram account ni Isabel ay masisilayan kung gaano sila kakomportable sa isa’t isa. Tulad ng litrato nila sa tapat ng isang pond kasama ang dalawang tsikiting at mga litratong na sa beach kasama si Elias. Sa isa pang litrato magkasamang nakaupo si John Loyd at ang dating aktor na si Sarji Ruiz sa dinning area. Si Sarji ay napapanood sa teen-orientated program noon ng ABS-CBN na Ang TV. Sa ngayon hindi pa rin malinaw ang kaugnayan ni Sarji kina John Loyd at Isabel.

CREDITS: Isabel Santos| IG

Hindi nga maiwasan ng mga netizens ang magkaroon ng samut saring espekulasyon tungkol sa relasyon ng dalawa, at dahil dito ay mas lalong uminit ang balita tungkol sa romantikong ugnayan nila John Lloyd at Isabel. Kaya naman, marami sa mga tagahanga ng aktor ang nakaabang sa makulay niyang buhay pag-ibig sa piling ni Isabel.

error: Content is protected !!