Connect with us

Entertainment

John Lloyd Cruz, Natagpuan na nga ba ang Babaeng Magbibigay Saya at Kulay sa Buhay niya Ngayon?

Published

on

Ilang taon na nga ang nakakalipas matapos lisanin ng aktor na si John Lloyd Cruz ang mundo ng showbiz upang mamuhay ng simple at tahimik. Sa mga panahon ng pagkawala ng aktor sa industriya ay siya namang pagkakaroon nila ng relasyon ng aktres na si Ellen Adarna at ito’y nagbunga ng isang anak na lalaki, si Elias Modesto. Ngunit, matapos ang dalawang taon nilang relasyon, ang kanilang pagsasama ay nauwi rin sa hiwalayan.

Bagama’t, hiwalay na ang dalawa ay hindi naman sila nagkukulang sa kanilang anak upang magabayan ito at maging mabuting mga magulang. Sa katunayan pa nga nito ay sa Cebu kasalukuyang nakatira ngayon si John Lloyd para sa co-parenting status sa anak na si Elias.




At matapos nga ang halos isang taong hiwalayan nina John Lloyd at Ellen ay mainit na usap-usapan ngayon na natagpuan na raw ng aktor ang babaeng magpapatibok sa puso nito.

Ito nga ay dahil sa kumakalat na larawan ni John Lloyd sa social media kung saan madalas niyang kasama ang isang Cebuana na mahilig sa motor tulad ng aktor. Ito nga ay isang babaeng Jet Lee na madalas makita sa mga larawan na nakasakay ang mga ito sa motor.

Naghatid nga ito ng interes sa mga mata ng tagahanga ni John Lloyd at marami ang nag-iisip na ito nga ang bagong babae sa buhay ng aktor. Makikita rin sa mga larawan na tila napakakomportable nila sa isa’t isa dahilan upang mas lalo pang tumibay ang hinala ng mga ito.




Nagdulot naman ito ng positibong reaksyon sa mga tagahanga ni John Lloyd na kung saan ay suportado naman ang aktor sa kaligayahang nais niya. Na makikita naman na masayang-masaya ang dalawa sa kung anumang namamagitan sa kanila.

Bagama’t, aktibo ang dalawa sa pagbabahagi ng mga larawan sa social media, nananatili namang tikom ang kanilang bibig sa kung anong tunay na estado ng kanilang relasyon.

Siya na kaya ang babaeng nagpapatibok sa puso ng aktor na si John Lloyd Cruz? Si Jet Lee na kaya ang taong itinadhana sa aktor upang magbigay kulay at saya sa buhay pag-ibig nito?

error: Content is protected !!