Connect with us

Entertainment

John Lloyd Cruz, Naispatan sa Sorsogon; New Look ng Aktor Ikinatuwa at Hinangaan ng mga Netizens

Ang aktor na si John Lloyd Cruz ay isa sa pinakasikat na artista sa showbiz pagdating sa mga romantic movies kung saan ay talagang naghahatid ng kilig sa mga manonood. Ang tambalan nga nila ng mahusay na aktres na si Bea Alonzo sa pelikula, ay talagang inaabangan ng marami sa mga sinehan.

Ngunit, ang matagumpay na karera at ningning ng kasikatan ay tinalikuran ni John Lloyd nang makarelasyon ang aktres na si Ellen Adarna upang mamuhay ng simple at tahamik. Nagbunga man ang kanilang pag-iibigan ng isang anak na lalaki, ay humantong parin ang kanilang relasyon sa hiwalayan.

Ilang taon ring hindi nasilayan sa telebisyon si Lloydie, at sa mahabang taon ng kanyang pamamahinga sa showbiz, ay tila naman handa na siyang muling sumabak sa pag-aartista.

Matapos nga maiulat ng KAMI ang larawan kung saan nakitang nakasakay ng jeep si Lloydie, na parte pala ng shooting ng kanyang comeback movie na Servando Magdamag sa direksyon ni Lav Diaz, kamakailan nga ay muli na namang nag-viral si Lloydie sa social media.

Photo credits: google

Photo credits: Faces of Sorsogon | Facebook Page

Ito nga ay matapos maispatan ang aktor sa Sorsogon kung saan makikita ang fresh at new look nito. Kung dati nga ay may mahabang buhok ang aktor, ngayon nga ay makikita ang malinis nitong ulo at kalbo nitong buhok.

Photo credits: Faces of Sorsogon | Facebook Page

Photo credits: Faces of Sorsogon | Facebook Page

Sa mga larawan na ibinahagi ng Facebook pag na Faces of Sorsogon, ay makikita ang mahusay na aktor n napakagwapo nitong tingnan kahit na wala itong buhok. Malinis at talaga nga namang napaka-fresh ng bagong anyo ni Lloydie. Base naman sa lokasyong nakatagged sa post ng FB page, ay makikita na nasa Sorsogon Rompeolas, na matatagpuan sa Sorsogon Bay sa Sorsogon City.

Photo credits: Faces of Sorsogon | Facebook Page

Photo credits: Faces of Sorsogon | Facebook Page

Ang mga nasabing larawan nga, ay agad na screenshot ng mga netizens, at agad ring naikalat sa social media. At matapos ngang makita ng mga netizens ang kanyang new look na talaga namang bagay sa aktor, ay agad ikinatuwa at hinangaan ito ng marami.

Photo credits: Faces of Sorsogon | Facebook Page

Umani nga ng iba’t ibang klaseng reaksyon at komento ang larawan ni John Llyod mula sa mga netizens. Narito ang komento ng mga netizens:

“Embracing his male pattern baldness. That is badass and full of confidence. He looks great with his cut. Bruce willis. Godbless”

“gwapo p din”

“bakit ganun, pogi padin kahit kalbo?”

“ampogiiiii

error: Content is protected !!