Connect with us

Entertainment

John Lloyd Cruz, Naging Emosyunal Matapos Makatanggap ng Matamis na Yakap at Halik sa Kanyang Anak na si Elias Modesto

Hindi man maganda ang kinahantungan ng relasyon ng aktor na si John Lloyd Cruz at aktres na si Ellen Adarna, na nauwi sa hiwalayan, ay pinatunayan naman ng aktor na isa siyang mabuting ama sa kanyang anak.

Ang pagmamahalan noon ni Lloydie at Ellen, ay nagbunga ng isang batang lalaki na pinangalanan nilang Elias Modesto. Sa kabila naman ng paghihiwalay nila ni Ellen, ay may co-parenting set up naman sila ng aktres upang mapalaki ng maayos ang kanilang anak.

Sa katunayan nga nito, ay madalas bisitahin ni John Lloyd si Elias o kaya naman, ay hinihiram niya ito sa aktres para makasama at makabonding.

At kamakailan lamang nga, ay agaw pansin ang video ng mag-ama sa social media, kung saan nasilayan ang magandang relasyon nilang mag-ama. Maraming puso ng mga netizens rin ang naantig sa video.

Sa viral video kasi ay mapapanood na tila naging emosyunal si Lloydie matapos makatanggap ng mahigpit na yakap at matamis na halik mula sa kanyang anak na si Elias. Ang precious moments na ito ng mag-ama na nakunan ng camera ay naghatid ng kakaibang saya sa mga tagahanga ni Lloydie lalo na nga’t bibihirang pagkakataon lamang ito mangyari.

Mapapanood sa video na matapos yakapin ni John Lloyd ang anak, akala niya ay bibigyan siya nito ng high five. Ngunit, hindi inaasahan ng aktor na isang sweet kiss ang ibibigay sa kanya ni Elias.

Samantala, matapos mapanood ng mga netizens ang sweet video ng mag-ama ay bumuhos naman ang komento na nagpapakita kung gaano naantig ang kanilang puso sa napakagandang eksena ng mag-ama.

“Such a sweet boy! Papa was expecting a high 5, he gave him a kiss instead.”

“Bakit ako naiiyak!”

“Purest love of a son to his dad”

“ang cute ni Elias, ang sweet din sa Papa nya”

“Ang sweet naman ng mag ama. thank you Elias dahil sa iyo binalik mo sa amin si Daddy idan mo”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JLC_BEA4EVER (@jlc_bea4ever)

Sa murang edad ni Elias, ay makikita kung gaano niya kamahal ang kanyang ama. Hindi lamang nga isang cute na bata si Elias, kundi napakalambing rin sa kanyang ama. Patunay lamang nga nito, na napalaki ring maayos si Elias ng kanyang mga magulang na sina John Lloyd at Ellen.

Makikita rin naman kay Lloydie na ang pagmamahal niya sa kanyang anak bilang isang ama, ay hindi matutumbasan ng anumang bagay. Tunay nga na isa itong “greatest love” ng magulang sa kanyang anak.

Si John Lloyd Cruz ay isa sa hinahangaan at tinitingalang aktor sa industriya ng showbiz. Matapos ang ilang taong pamamahinga sa larangan ng pag-arte, ngayon nga ay muling nagbabalik showbiz si Lloydie upang muling ipakita ang kanyang husay at talento sa pag-arte.

error: Content is protected !!