John Lloyd Cruz, Ipinakilala sa Ilan sa mga Malalapit na Kaibigan at Kasamahan niya sa Industriya ang Anak na si Elias Modesto

Kamakailan lang ay ginulat ni Vhong Navarro ang sambayanan ng pinakasalan nito ang matagal na niyang kasintahan na si Tanya Winona Bautista sa Kyoto, Japan. Masyado namang pribado ang naging kasal ng dalawa dahil halos malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang dumalo at nakasaksi sa pag-iisang dibdib ni nila Vhong at Tanya.

Ilan sa mga bisita ni Vhong ay ang mga kasamahan nito sa It’s showtime, mga ninong at ninang na karamihan ay kabilang sa industriya ng show business. Isa sa panauhin ni Vhong ang kumuha ng atensyon ng mga netizens at ito nga ay ang kaibigan at kapwa artista na si John Lloyd Cruz.



Maraming netizens ang nagulat ng makita nilang dumalo si John Lloyd sa kasal ni Vhong dahil matatandaan na halos ilang taon din itong hindi nagpakita sa mga netizens o hindi lumabas sa telebisyon. Isa pa sa kinagulat ng mga netizens ang malinis na mukha ni John Lloyd dahil wala itong balbas at bigote at maganda ang ayos ng buhok nito habang ito ay naglalakad sa gitna o ailes.

Nagbigay din ito ng mensahe para sa bagong kasal na si Vhong at Tanya, sabi niya, “gawa kayong baby, pare. Gawa kayong maraming baby. Masaya. Parang iyon ang magpapaganda ng mundo, maraming babies para palitan ‘yong mga katulad natin”.



Maraming netizens naman ang nakapansin sa mensahe na ito ni John Lloyd na ngayon ay isa na ding ama kay Elias Modesto na anak nito sa kapwa artista na si Ellen Adarna.

Kasama din ni John Lloyd ang isang taon niyang anak na si Elias sa kasal ni Vhong na ipinakilala naman niya sa ilang artista at kaibigan na naroon. Nagbahagi naman si @maialevisteazores sa kanyang Instagram account ng mga video kung saan makikita na nakikipaglaro ang anak ni John Lloyd kay si Jhong Hilario.

Sa isa namang video ay mapapasin mo kung paano maging ama si JLC kay Elias at kung paano maglaro at magbonding ang dalawa. Makikita mo kasi dito na naglalaro si JLC at Elias habang nakahiga ito sa carpet at nakikipagharutan na din sa kanyang ama.

Sa simple at maiksing video ni JLC at ng kanyang anak ay makikita mo kung paano sila nageenjoy na makasama ang isat-isa at kung paano maging ama si JLC sa kanyang anak.