Connect with us

Entertainment

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, Nagkaroon ng Emusyonal na Live Conversation na Nagpakilig sa kanilang mga Fans, Ipinakilala din ni John Lloyd ang Anak na si Elias kay Bea

Minsan na tayong pinakilig at pinaiyak ng tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa kanilang mga pelikula. Isa na nga rito ang pelikulang “One More Chance”, na ginampanam nila bilang sina Popoy at Basha. Hindi maikakaila na ang husay nila sa pag-arte ay talagang tumatak sa atin dahil sadyang nakakaantig ng damdamin at mapapaluha ka talaga sa bawat eksena.




Ilang ulit pang nagkasama sa pelikula sina Lloydi at Bea, kung saan ay talagang sinubaybayan at hinangaan ng kanilang mga tagahanga. Hindi naman nakapagtataka na sa haba ng panahong magkasama sila, ay naging malapit silang magkaibigan.

Kamakailan nga, ay nagkaroon ng biglaang pag-uusap sa pamamagitan ng video call sa Instagram live ang magkaibigang Lloydi at Bea. Tila nga sa muling pag-uusap nila, ay bumalik ang mga panahong nagkakilala at nagkasama sila.

Sa pag-uusap ng dalawa, ay nais patunayan ni Bea na talagang kilalang-kilala na niya ang aktor sa haba ng panahong nagkasama sila. Kaya naman, tinanong ni Lloydi si Bea ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang pagkatao.

Unang tanong nga ni Lloydi, ay kung kailan umano siya pinakamasaya.

“Kailan ako pinaka masaya?,” saad ni John Lloyd.

Agad namang sumagot si Bea, at sinabi na pinakamasaya ang kaibigan sa oras na kasama nito ang anak na si Elias.

“Kapag kasama mo si Elias,”pahayag ni Bea.




Hindi naman ito itinanggi ni John Lloyd, sa halip ay proud na inamin na ang kanyang anak nga na si Elias ang nagbibigay kulay at kaligayahan sa buhay niya ngayon. At sa tuwing kasama nga niya ang anak ay walang kapantay na saya ang kanyang nadarama.

Sumunod namang naging katanungan ni John Lloyd sa aktres ay kung kailan naman siya nakakaramdam ng kalungkutan.

“Kailan ako pinakamalungkot,” dagdag na tanong ng aktor.

Hindi naman agad nakasagot ang aktres, at iniisip ng mabuti ang magiging kasagutan.

“Pag mag-isa ka,” sagot ni Bea.

“Pag mag-isa ako,” tugon naman ni John Lloyd.

Tila nga kahit ilang taon ng hindi nagkasama ang dalawa, ay kilalang-kilala parin ni Bea si John Lloyd. Sa nasabing pag-uusap naman ng dalawa, ay nagkaroon rin sila ng pagkakataong magkamustahan.

Pagbabahagi nga ni John Lloyd, ay nakakaramdam umano siya ng kalungkutan kahit pa kasama naman niya ang kanyang anak na si Elias na nagpapasaya sa kanya. Ayon pa nga rito, ay ito umano ang pinakamalungkot na pakiramdam na kahit hindi naman siya nag-iisa, ay malungkot parin siya.

Samantala, sa kabila naman ng nararanasang pandemya, ay malaki naman ang pasasalamat ng aktor dahil ligtas siya, at may nakakain kahit nasa gitna ng lockdown.
Nagbigay naman ng payo si Bea sa kaibigan na maging masaya kahit may kinakaharap na problema alang-alang sa anak nitong si Elias.

Sa huli, ay tila naging emosyunal naman ang pag-uusap ng dalawa. Pag-amin nga ni Bea, ay namiss niya ang aktor sa mahabang panahon na hindi sila nagkita at nagkasama.

error: Content is protected !!