Connect with us

Entertainment

Joey De Leon, Masayang Nagdiwang ng Kanyang 74th Birthday Sa Kanilang Bahay At sa Simbahan

Isang taon na naman nadagdag sa buhay ng aktor, komedyante at TV host na si Joey De Leon. Nito lamang ika-14 ng Oktubre nang ipagdiwang ni Joey ang kanyang ika-74 taong kaarawan. Labis nga ang kasiyahan at pasasalamat ni Joey, dahil muli siyang pinagkalooban ng isa pang buhay para maenjoy kasama ang kanyang pamilya.

Kaya naman, para pasalamatan ang biyayang kanyang natanggap, ay nagkaroon si Joey ng masayang simple ngunit masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan hindi lamang sa kanilang tahanan kundi pati na rin sa simbahan. Ang loob ng tahanan ni Joey ay napuno ng mga lobo para sa espesyal niyang pagdiriwang ng kanyang birthday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jocas de Leon (@jocasdeleon)

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Joey ang ilang kuha ng larawan at video sa naging pagdiriwang ng kanyang 74th birthday. Pinaabot rin ni Joey ang kanyang pagmamahal sa mga dabarkads.

“Today is my birthday. Ang dami kong balloon kasi nais kong i-express ang pagmamahal ko sa inyo. Sa lahat ng mga dabarkads, I lobo [love] you, I lobo [love] you all very much.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

Hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Joey ang Diyos na nagkaloob ng panibagong sa kanyang buhay. At upang pasalamatan ang nagkaloob sa kanya ng buhay, ay nagtungo si Joey sa Christ the King Parish sa Quezon City para dumalo ng misa.

Nakatanggap naman si Joey ng pagbati mula sa mga netizens at sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz.

“Blessed birthday Ninong Joey! Mahal ka namin,” pagbati mula kay Pauleen Luna-Sotto.

“Happy Birthday!! Halika na biyahe na tayoooo!!” saad naman ni Allan K.

“Happy Birthday Ninong Joey, love you,” comment naman ni Sherilyn Reyes-Tan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

Maliban naman sa pagdiriwang sa bahay, ay masaya ring nakatanggap ng bonggang regalo si Joey mula sa isang sikat na painter at sculptor na si Willy Tadeo Layug. At ang obra na ito ni Willy ay isang sculpture ng imahe nina St. Joseph habang buhat nito ang batang si Hesus.

“Maraming, maraming salmat Willy Tadeo Layug sa napakagandang ipinagkaloob mo sa akin ngayong aking kaarawan!”

“Pagpalain nawa tayo ni San Jose, ng kanyang Anak na si Hesus at ng Inang Maria,” saad ni Joey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

Kilala si Joey sa tunay na buhay sa pangalang José María Ramos de León Jr. Siya ay kilala bilang mahusay na TV host at komedyante sa industriya ng showbiz. Isa rin siya sa miyembro ng TVJ trio kung saan ay kasama sina Tito at Vic Sotto. Ilang pelikula na rin ang ginawa nilang tatlo para maghatid ng saya sa mga manonood. Bilang isang TV host, ay isa siya sa pioneer host ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” na mapapanood sa GMA Network.

error: Content is protected !!