Connect with us

Entertainment

Joel Cruz, Gumastos ng Mahigit Kumulang 52 Milyong Piso Para sa Surrogacy ng Kaniyang Walong Anak

Si Joel Cruz ay isang kilalang business tycoon dito sa bansa dahil sa kaniyang perfume business na Aficionado. Naging usap-usapan din siya noong lumabas ang balitang nagkaroon na siya ng anak sa pamamagitan ng surrogacy. Noong una ay mayroon lamang siyang isang set ng kambal ngunit ngayon nga ay mayroon na siyang walong anak mula sa surrogacy.

Ayon sa negosyante, naimpluwensyahan siya ng kaniyang kaibigan na si Ogie Diaz na magkaroon ng anak. Matatandaang pinayuhan ni Ogie ang kaniyang mga kaibigan na magkaroon ng anak upang may magmana ng kanilang mga naipundar na ari-arian at kayamanan. Pinag-isipan naman ito nang mabuti ni Joel at kalaunan nga ay nagdesisyon siyang magkaroon ng anak sa tulong ng surrogacy.

Photo credits: Joel Cruz | IG

Ngunit hindi naging madali ang prosesong ito at hinarap ni Joel ang ilang hamon. Hindi legal ang surrogacy sa Pilipinas gayunpaman ay sinubukan pa rin niya na kumuha ng Pilipina bilang surrogate mother ngunit sa huli ay nabigo pa rin siya. Hindi nagtagal ay pinili niyang lumapit sa isang surrogacy firm sa Russia, kung saan legal ang surrogacy. Kalaunan ay pumili nga siya ng isang Russian na may 5’11” na tangkad.

Photo credits: Joel Cruz | IG

Siniguro din niya na may pamilya na ang surrogate mother na ito upang masigurong magiging matagumpay ang implantation. Sa kabutihang palad ay naging matagumpay ang proseso at nagkaroon si Joel ng kambal, isang babae at isang lalaki. Kwento ni Joel, gumastos siya ng 12 million pesos para sa mga pangangailangan ng surrogate mother.

Dahil sa matagumpay na proseso ay nagkaroon ulit si Joel ng kambal sa parehong surrogate mother. Sa pagkakataong ito, parehong lalaki ang kaniyang naging anak. Gumastos naman siya ng 11 million pesos. Sa pangatlong pagkakataon ay nagkaroon ulit si Joel ng kambal kung saan umabot din sa 11 million pesos ang kaniyang kabuuang gastos. Para naman sa kaniyang pampito at bunsong anak, kumuha siya ng magkaibang surrogate mother. Gumastos siya ng 9 million pesos para sa bawat surrogate.

Photo credits: Joel Cruz | IG

Dahil sa malaking pera na inilalaan para sa mga makabagong pamamaraan ng pagkakaroon ng anak, talagang masasabi na kahanga-hanga si Joel. Dagdag pa rito, sinisiguro niyang maayos ang pagpapalaki niya sa kaniyang walong anak.

error: Content is protected !!