Connect with us

Entertainment

Jodi Sta. Maria, Ipinasilip ang Unang Travel Ngayong Panahon ng Pandemya Kasama ang Kanyang Anak na si Thirdy Patungo sa Tanzania

Ngayong panahon ng pandemya, ay marami nga ang naapektuhan. Kabilang na rito ang pag-travel sa iba’t ibang lugar, dahil sa ipinatupad na travel restrictions. At ngayon na medyo lumuwag na, ay nakakabiyahe na ulit patungo sa mga nais puntahang lugar.




Katulad na lamang nga ng aktres na si Jodi Sta. Maria, na nagtungo sa Tanzania sa East Africa kasama ang kanyang anak na si Thirdy upang doon ipagdiwang ang pasko at kaarawan nito.

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Youtube

Sa latest vlog ni Jodi na mapapanood sa kanyang Youtube Channel, ipinasilip niya ang kanilang unang travel ngayong panahon ng new normal. Magmula sa airport patungo sa kanilang destinasyon hanggang sa kanilang biyahe pabalik ng Manila. Saad nga ni Jodi, ay ipapakita umano niya sa video ang bawat steps at tamang proseso sa pagbabyahe ng ligtas at komportable sa panahon ng new normal.

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Youtube

Bago nga byumahe ay kinompleto muna ng aktres ang mga kinakailangang dokumento bilang requirements sa pagsunod sa safety protocols. Katulad na lamang nga ng medical certificate mula sa Red Cross kung saan sila nagpaswab test bilang katunayan na wala silang corona virus.

Mapapanood nga sa video na pagdating nila sa airport, ay wala man lang katao-tao, hindi tulad noong huli silang nag-travel na halos mapuno ang airport sa dami ng tao. Dahil nga panahon ng tinatawag na new normal, ay matinding pag-iingat ang ginawa ng mag-ina. Maliban sa suot na facemask at faceshield ay may nakahanda rin silang disinfectants at sanitizer.

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Youtube

Mahaba-habang biyahe ang nilakbay ng mag-ina, na inabot ng halos 37 na oras bago marating ang kanilang destinasyon. Mula sa Manila ay lumipad muna sila patungong Dubai. Mula sa Dubai ay Zanzibar naman at mula rito ay Dar Es Salaam sa Tanzania. Nang marating na ang kanilang destinasyong bansa, ay isa na namang local flights ang kanilang naging byahe sa Kilimanjaro at Lake Ndutu.

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Youtube

Bagamat, mahaba at nakakapagod ang naging byahe ng mag-ina ay sulit na sulit naman ang kanilang natunghayang tanawin pagdating sa lugar kung saan sila magbabakasyon. Doon nga ay nag-enjoy ang mag-ina sa kanilang adventure.




Makikita kasi dito ang iba’t ibang klaseng wild life na minsan lang nila masilayan. Napakaganda rin ng tanawing makikita rito, kaya naman, enjoy na enjoy ang mag-ina sa kanilang bakasyon.

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Youtube

Samantala, masaya ring ipinagdiwang ni Thirdy ang kanyang kaarawan sa isang lodge kung saan ay may inihanda sa kanyang munting selebrasyon. Nag-enjoy rin ang mag-ina sa kanilang pagsakay sa hot air balloon.

Patuloy naman ang masayang bonding ng mag-ina sa kanilang pagbabalik sa Zanzibar kung saan ay nasaksihan nila ang kultura ng mga taong naroroon.

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Youtube

Talaga nga namang nag-enjoy ang mag-ina sa kanilang bakasyon, na kahit nasa gitna ng pandemya ay nagawa nilang makamit ang isang masaya at ligtas na paglalakbay.

error: Content is protected !!