Connect with us

Inspiring

Jodi Sta. Maria, Ikwinento ang Hirap na Naranasan sa kanyang Pag-aaral sa Kolehiyo Kasabay ng kanyang Trabaho

Marami ang humahanga sa husay ng Kapamilya aktres na si Jodi Sta. Maria pagdating sa pag-arte. Kahit saan nga siya isalang, mapa-drama, comedy at intense action ay talagang nangingibabaw ang kanyang galing. Pagdating naman sa mga karakter na kanyang ginagampanan, mapa-bida man o kontrabida ay talagang nadadala ang emosyon ng mga manonood.




Hindi nga nakapagtataka na isa siya sa ipinagmamalaking artista ng Kapamilya Network. Isa naman sa kinahihiligan ng aktres na naging libangan narin niya ang ang video sharing app na Tiktok, at marami nga ang naaaliw sa kanyang mga videos. Dito naman nakikita ang kwela at masayahing personalidad ng aktres.

Samantala, dahil nga si Jodi ang klase ng tao na gustong marami ang ma-achieve sa buhay, kahit busy ang schedule sa kanyang trabaho bilang artista ay naglaan parin siya ng oras sa kanyang pag-aaral.

Sa programang TWBA, ibinahagi ng aktres ang kanyang karanasan bilang isang estudyante at bilang isang artista ng sabay. Si Jodi ay nag-aral ng kursong BS Psychology sa Southville International School and Colleges. Sa panayam ni Tito Boy, ibinahagi ng aktres na hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan. Ayon nga kay Jodi, ang mag-aral habang nagtatrabaho ay sadyang nakakapagod at nakaka-drain ng utak. Ngunit, dahil nga malaki ang pagnanais niyang makapagtapos ng pag-aaral ay hindi niya alintana ang anumang hirap. At inilarawan pa ng aktres bilang “happy kind of pagod” ang kanyang karanasan sa pag-aaral.




Mas lalo namang ginaganahang mag-aral ang aktres dahil malapit na niyang matapos ang napiling kurso. Samantala, kahit nga marami siyang pinagkakaabalahan at palaging busy ang schedule sa showbiz ay nakapag-aral parin siya ng mabuti. Sa katunayan, ay nagagawa niya ang mga project at paper works sa school sa tamang pagbalanse ng oras. At ang lahat nga ng hirap, pagod at puyat ng aktres sa pag-aaral ay nagbunga nang mapabilang siya sa Dean’s Lister.

Hindi nga binigo ni Jodi ang kanyang mga tagahanga sa mga bagay na nais niyang makamit sa buhay. Ngunit, sa kabila nito ay nananatili paring humble ang aktres. Ayon nga kay Jodi, ay hindi umano siya matalinong tao, bagkus ay mayroon lamang siyang determinasyon sa sarili na gawin ang mga nais niya sa abot ng kanyang makakaya. Napakasipag umano niyang mag-aral, bagay na maipagmamalaki niya pagdating sa school.

Ayon nga sa aktres ay pinipili umano niya kung magre-review ba siya o itutulog na lang muna. Ngunit, palagi umanong nananaig ang magrereview siya, dahil matapos makatulog ng 30 minuto ay ipagpapatuloy niya ang pag-rereview ng mas mahabang oras.

Pagtatapos naman ni Jodi, ay malaki umano ang pagpapahalaga niya sa edukasyon. Kaya ganun na lamang siya kadesididong makapagtapos ng pag-aaral. Pinasalamatan rin niya ang mga taong tumulong sa kanya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap, kasama ang kanyang kaklase na naging kaagapay niya sa paaralan.

error: Content is protected !!