Connect with us

Showbiz

Jodi Sta. Maria, Ibinahagi Na P1500 Lamang Ang Kanyang Talent Fee Noong Nagsisimula Pa Lamang Siya Sa Kanyang Karera

Ang bida sa hit na hit na drama series ng The Broken Marriage Vow na si Jodi Sta. Maria ay unang ipinamalas ang husay sa pag-arte noong taong 2012 sa teleseryeng “Be Careful with my Heart ” kinagiliwan ng mga manunuod. Ang kilig na hatid ni Jodi at katambal niyang si Richard Yap ay talaga namang tumatak sa puso ng maraming manonood.

Photo credits: Jodi Sta.Maria | IG

Dito nga nagsimula ang pag-ugong ng kanyang pangalan sa industriya ng showbiz, kung saan nga ay samu’t saring malalaking proyekto ang kanyang natanggap at lahat ng ito ay naging patok sa mga manunuod.

Hindi naman talaga emaikakaila ang kanyang aking galing sa pag-arte at taglay na angking natural na kagandahan. Hindi rin binibigo ni Jodi ang kanyang mga taga hanga sa bawat proyekto na tila makakatotohanan ang lahat ng kanyang pag-arte at makadala ng dadamdamin.

Sa kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang pagsisimula sa industriya ng showbiz. Hindi niya kinakahiya bagkus ipinagmamalaki at masaya niyang binahagi na nagsimula siya sa mababang talent fee sa halagang P1,500.

Photo credits: Jodi Sta.Maria | IG

Sa isang vlog episode, ibinahagi ng aktres ang kanyang humble beginnings. Naikwento rin ni Jodi ang kabataan nito, kung saan nga ay pinalaki silang magkakapatid ng kanyang inang mag-isa. Naranasan din umano niyang magbenta ng popcorn sa halagang 20 pesos.

Photo credits: Jodi Sta.Maria | IG

Nabanggit rin niyang isa lamang siyang hamak at mahiyang estudyante noong kapanahunan. Sa kabila ng kanyang pagkamahiyain nagagawa niya paring magtanghal sa entablado sa harap ng maraming tao. Sa kanyang ngang pagsali sa mga patimpalak sa paaralan na hasa ang husay nito sa pag-arte at nang magkaroon ng oportyunidad ay di na ito pinalagpas pa.

Sa unang pagkakataon hindi pinalad si Jodi sa kanyang commercial projects, hindi nagpatinag ang aktree sa kanyang unang pagkabigo para maabot ang kanyang pangarap. Bagkus nga ay nag-antay siya ng kanyang oras at tamang pagkakataon, kung saan ay nagsumikap siya at pinatunayan ang kanyang sariling kakayahan.

Photo credits: Jodi Sta.Maria | IG

Ani niya,“And then tumawag na naman siya sabi niya may pa audition ang ABS-CBN looking for people to audition for the new batch of Star Circle 7. I’m like, sige try ko.”

Hindi inakala ng aktree na mapipili siya, sa loob niya okay lang di siya makuha basta ay makakita lang siya ng mga artista sa ABS-CBN. Pinalad na si Jodi sa pagkakataong ito at dito niya unang natanggap ang talent fee niyang may halagang P1,500.

Photo credits: Jodi Sta.Maria | IG

At ngayon nga ay malayong-malayo na ang narating ng ni Jodi sa buhay. Sa kabila ng mataas na rurok ng tagumpay nakinaroroon niya ay hindi siya nakakalimot sa kanyang pinanggalingan. Nakapagtapos na rin siya sa kolehiyo sa kabila ng kanyang edad kasabay ng pagiging ina nito sa kanyang anak at pagtratrabaho nito.

Photo credits: Jodi Sta.Maria | IG

Si Jodi ay nagsisimbolo sa lahat mga kababaihang tumatayo sa mga sariling paa at nanatiling matatag sa lahat ng mga responsibilidad na nakaatang sa kanila. Tunay nga na kung may pangarap huwag titigil, madapa man huwag sumuko sapagkat ang pagkadapa ay parte ng proseso. Magpatuloy ka at magtiwala sa sarili gaya ni Jodi dahil darating ang tamang panahon para sayo.

error: Content is protected !!