Connect with us

Entertainment

Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago, Ginulat ang Publiko Matapos Ibunyag ang kanilang Relasyon

Usap-usapan ngayon sa social media ang magandang balita patungkol sa aktres na si Jodi Sta. Maria at aktor na si Raymart Santiago. Ginulat ng dalawa ang publiko at ang kanilang mga tagahanga, matapos nga nilang ibunyag ang kanilang relasyon.

Tila nga, gumawa ng paraan ang tadhana upang masumpungan nina Jodi at Raymart ang hinahanap na kaligayahan sa isa’t isa. Matatandaan na napabalita na rin ang paghihiwalay ng 47 taong gulang na aktor na si Raymart at dati nitong asawang si Claudine Barretto noong 2014, kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Sabina at Santino. Matapos nito, ay nagkaroon naman ng relasyon ang aktor sa non-showbiz girlfriend nito.




Samantalang ang 38 taong gulang na aktres na si Jodi naman, ay matagal nang hiwalay sa dating asawang si Pampi Lacson magmula noong 2011 kung saan ay nagkaroon sila ng isang anak na nagngangalang Thirdy. Nagkahiwalay man, ay nanatili parin ang kanilang magandang relasyon bilang magkaibigan, para sa ikabubuti ng kanilang anak. Muli namang umibig ang aktres sa katauhan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla at nagwakas naman ito noong 2018.

At ngayon nga, matapos ang sunod-sunod na kabiguan sa buhay pag-ibig nina Jodi at Raymart na nagdulot sa kanila ng kalungkutan, ay tila naman nahanap na nila ang pag-ibig na magbibigay sa kanila ng kaligayahan. At ngayon nga ay nagdiwang ang kanilang mga tagahanga matapos nilang ibunyag ang kanilang relasyon.

Nito lamang ika-30 ng Setyembre, araw ng Miyerkules, ay nalantad ang relasyon ng dalawa sa post sa Instagram ng talent manager na si Noel Ferrer. Makikita nga sa larawang ibinahagi ng talent manager na sweet na sweet at magkayakap pa ang dalawa. Ang naturang larawan ay kuha sa isang private place sa Alabang.

Samantala, sa caption naman ng post ay kinumpirma nga nito ang relasyon ng dalawa.

“WE ARE HAPPY THAT YOU ARE HAPPY!!! @raymartsantiago @jodistamaria GOD BLESS YOU BOTH!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

Hindi na nga maitatanggi pa ang relasyon ng dalawa na talagang naaktuhan ang kanilang kasweetan, bagay na ikinatuwa naman ng kanilang mga tagahanga dahil ang pag-ibig na matagal na nilang hinahangad ay natagpuan sa piling ng bawat isa.




Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netizens at kanilang mga tagahanga na masayang-masaya sa relasyon nilang dalawa. Nawa’y, ang pagsisimula ng kanilang matamis na pag-iibigan ay hindi magwakas, at humantong na sa “forever”.

error: Content is protected !!