Connect with us

Entertainment

Joaquin Domagoso, Isa na Ngayong Ganap na Tatay sa Kanyang 2 Month Old Baby Boy na Anak niya sa Kapatid ni Kapuso Star Claire Castro

Sunod-sunod ang masasayang balita ng mga aktor at aktres na nagsisimula ng pamilya at nagkakaroon ng kanilang sariling anak. Karamihan sa mga ito ay masayang ibinabahagi sa kanilang mga taga-suporta ang bagong yugto ng kanilang buhay. Mapalad din naman ang mga sikat na personalidad na ito sa suportang natatanggap nila mula sa kanilang mga fans.

Kaugnay nito, usap-usapan ngayon ang naging pagbubuntis at panganganak ng nobya ni Joaquin Domagoso. Sa naging pahayag ng kolumnista na si Cristy Fermin ibinahagi niya na confirmed na nga daw at talagang isang ama na si Joaquin.

Matatandaan na si Joaquin ay anak ng dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno. Gaya ng kaniyang ama, pumasok rin sa industriya ng showbiz si Joaquin bilang isang aktor at modelo.

Noong nakaraang Enero, kasagsagan ng pangangampanya ni Isko para sa pagkapangulo, naging laman ng isang blind item si Joaquin. Ayon sa blind item na ito, isang aktor umano ang nakabuntis sa kaniyang girlfriend na nalamang kapatid ng isang aktres.

Ayon pa rito, Abril ang itinakdang panganganak ng girlfriend ng aktor. Bagamat hindi ito kinumpirma ni Joaquin, hindi rin niya ito itinanggi. Sa kabila nito, ibinigay pa rin ni Joaquin ang kaniyang suporta lalo na sa mga pagkakataong nakikita ng mga tao ang kaniyang pagdalaw sa ospital.

Sa paglipas nga ng ilang buwan mula nang mailabas ang blind item na ito, nakumpirma na si Joaquin nga ang aktor na tinutukoy rito samantalang ang kaniyang nobya ay pinangalanang si Raffa Castro na kapatid ng aktres na si Claire Castro.

Dagdag pa sa report na ito, ipinanganak ni Raffa ang anak nila ni Joaquin na si Scott Angelo Domagoso sa FEU Medical Center noong buwan ng Abril. Makahulugan ang pangalang ibinigay sa panganay na anak ni Joaquin dahil mula ito sa palayaw ni Isko Moreno noong kaniyang kabataan. Dahil dito, siguradong ang batang ito ang pagkukunan ng kaligayahan ng kanilang pamilya.

Mukhang mabuti rin naman ang relasyon ng dalawang pamilya. Kamakailan nga ay ibinahagi ng ama ni Raffa na si Diego Castro ang isang larawan mula sa bakasyon ng kanilang pamilya. Makikita dito na magkasama ang kanilang anak at si Joaquin.

Para naman sa fans ni Joaquin, wala pa ring magbabago sa magandang karera ng kanilang iniidolong aktor at handa silang suportahan ito lalo na sa susunod na kabanata ng kaniyang buhay bilang isang ama.

 

error: Content is protected !!