Connect with us

Entertainment

JM De Guzman Ipinasilip ang Loob ng Kanyang Customized Van Kung Saan Mayroon Siyang Sariling Higaan at Closet

Pagdating sa pagiging isang mahusay at hinahangaan sa kagwapuhan na aktor, ay hindi magpapahuli ang Kapamilya actor na si JM De Guzman. Si JM ay isa sa mga naging leading man sa iba’t ibang mga teleserye na ating napanood sa telebisyon, tulad na lamang nga ng serye noon na “Araw Gabi” kung saan kanyang nakapareha bilang leading lady ang aktres na si Barbie Imperial.

Samantala, bilang isang kilalang personalidad sa mundo ng showbiz, ay batid natin na ilang mga ari-arian na rin ang naipundar ni JM na bunga ng kanyang ilang taon ding pagtatrabaho bilang isang aktor. Isa nga sa mga naipundar niya ay ang kanyang Toyota Super Grandia.

Ang sasakyan na ito ng aktor ay hindi lamang basta-basta, sapagkat ito ay kanyang ipina-customized para maging ikalawang tahanan niya. Maliban kasi sa ang sasakyan niya na ito ang nagdadala sa kanya sa bawat lokasyon ng kanyang trabaho, ay nagsilbi din niya itong pahingahan kapag naka-rest siya sa trabaho o habang nagba-byahe.

Kamakailan lang ay ipinasilip ni JM sa pamamagitan ng vlog ang loob ng kanyang customized Toyota Super Grandia, dito makikita kung bakit nagsilbing ikalawang tahanan ng aktor ang sasakyan niya na ito.

Photo credits: JM De Guzman | Youtube

Sa unang bahagi ng vlog ng Kapamilya aktor ay agad na masisilayan na kulay itim ang customized van nito, ayon kay JM mas gusto niya ang ganitong kulay na matte black sa kanyang sasakyan dahil sa fan umano siya ng Batman.

“So, nakikita niyo matte black ang kulay ng aking van. Lahat ng kotse ko kulay black. ‘Yung motor ko black. Kasi favorite ko si Batman. Mahilig ako sa bat mobile. Kasi ang nagas ‘di ba? Para kang may misyon lagi. Parang lagi kang may gusto i-save”, pagbabahagi ni JM.

Ipinakita naman ni JM ang dents (gasgas) ng kanyang sasakyan, na ayon sa kanya ay hindi niya alam kung sino ang may gawa. Nagbiro pa ang aktor na ha-huntingin niya kung sino man ay may gawa nito.

Pagpasok naman sa loob ng customized van ng aktor, ay agad na makikita ang television screen dito. Pagbabahagi ni JM nagsisilbing libangan niya ang TV kapag siya ay nasa loob ng sasakyan at nag-aantay lamang na tawagin para sa kanyang eksena halimbawang nasa taping siya.

“Siyempre ‘yung kalaban mo rin sa taping ‘yung inip. Kunwari ‘di ka pa tinatawag, kapag kinukunan pa ‘yung mga kasama mo – nag-iiyakan pa sila dun o nagsisigawan. Ayoko kasi masyado nag-iisip kung ano ginagawa sa eksena. Gusto ko nalilibang ako”, ani ng aktor.

Photo credits: JM De Guzman | Youtube

Photo credits: JM De Guzman | Youtube

Photo credits: JM De Guzman | Youtube

Dagdag pa niya, kapag nabasa na umano niya ang kanyang script, hindi na niya ito pinaplano o iniisip kung paano niya gagawn ang naturang eksena niya. Mas nare-relaks umano siya kapag naglilibang siya habang nag-aantay ng kanyang eksenang gagawin.

“So, ‘pag nabasa ko na ‘yung script, hindi na ko nagpaplano. Naglalaro na lang ako ng kung anu-ano. Mas nakaka-relaks”, dagdag pa nga ni JM.

Photo credits: JM De Guzman | Youtube

Ipinakita rin ni JM na sa loob ng kanyang van, maliban nga sa tatlong reclining captain seats ay nagpalagay din siya ng higaan niya rito para kapag nais niyang magpahinga ay maari siyang matulog sa sasakyan ng kumportable.

Photo credits: JM De Guzman | Youtube

Photo credits: JM De Guzman | Youtube

Ayon pa sa aktor, ang higaan niyang ito ay maari rin maging sofa, para kapag hindi siya natutulog ay maari itong gawing upuan at mas nagiging spacious nga ang kanyang sasakyan.

Photo credits: JM De Guzman | Youtube

Photo credits: JM De Guzman | Youtube

Sa hulihan naman na bahagi ng customized van na ito ni JM ay naroroon naman ang own closet ng aktor at maging ang kanyang vault kung saan dito nga niya inilalagay ang mga pansarili niyang gamit at valuables.

Tunay ngang sa mga artista ay mahalaga ang pagkakaroon ng customized van, matatandaan na maliban kay JM de Guzman ay marami pang mga celebrity ang mayroong magagarang customized van, tulad na lamang nina Bea Alonzo, Jolina Magdangal, Kim Chiu at marami pang iba.

error: Content is protected !!