Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Pinatunayan ang Pagiging “Loving and Caring Wife” Sa Kanyang Mister na si Manny Pacquiao Matapos ang Laban Nito Kontra kay Ugas

Maliban sa pagmamahal na alay natin sa ating mga asawa, ay responsibilidad rin nating ingatan at pangalagaan sila. Ang mga misis nga, ay talaga namang hindi magkamayaw sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanilang pagod na mister mula sa maghapong pagtatrabaho.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

At isang patunay na ang mga misis, ay talaga namang “loving and caring” pagdating sa kanilang mga mister ay ang maybahay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao.

Matatandaan na noong ika-22 ng Agosto nang masaksihan ng buong mundo ang laban ni Manny Pacquiao sa loob ng ring kontra kay Cuban boxer na si Yordenis Ugas na naganap sa Las Vegas.

Ipinakita ng mga taong nagmamahal kay Manny ang kanilang suporta para magwagi ito sa laban. Kabilang na nga rito, ang kanyang pamilya na kung saan ay personal na dumalo para masaksihan ang laban ng kanilang padre de pamilya. Bagama’t, hindi nagtagumpay si Manny sa mainit na bakbakan nila ni Ugas, ay siya parin ang panalo sa puso ng mga taong nagmamahal sa kanya, lalo na sa puso ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Matapos nga ang laban ni Manny, ay hindi umalis si Jinkee sa tabi ng kanyang asawa para alagaan at asikasuhin ito. Agaw atensyon nga si Jinkee sa social media kamakailan, matapos niyang ibahagi ang isang video kung saan makikitang inaalagaan niya ang kanyang asawang si Manny.

Sa maikling video na ibinahagi mismo ni Jinkee sa Instagram, ay makikitang sinusubuan niya ng pagkain si Manny matapos ang laban nito kay Ugas. Kapansin pansin ang pasa sa mukha ni Manny, at masisilayan rin sa mukha nito ang pagod. Mabuti na lamang nga, at may isang Jinkee na handang mag-alaga at umalalay sa kanya sa mga ganitong pagkakataon.

Samantala, dahil pinatunayan ni Jinkee sa maikling video ang kanyang pagiging loving and caring wife, ay agad itong nag-viral sa social media at umani ng mga positibong komento na puno ng paghanga mula sa kanyang mga followers. Ilan naman sa mga celebrities sa showbiz na nag-iwan ng kanilang komento sa post ni Jinkee, ay sina KC Concepcion, Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez, Dianne Medina, Phoemela Baranda, Miriam Quiambao, at Melissa Ricks.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Maliban naman sa ipinakitang pag-aalaga ni Jinkee kay Manny sa nasabing video, ay nauna nang ibinahagi ng social media star ang kanyang nakakaantig na mensahe para sa kanyang asawa na talaga namang puno ng paghanga at pagmamahal. Hindi man nga nagwagi, ay talaga namang proud na proud parin si Jinkee kay Manny dahil ibinigay nito ang abot ng makakaya sa naging laban nila ni Ugas.

“To my dear husband Manny, words cannot express how proud I am of the man you are. I’m proud to be your wife. You mean the world to me and all our children. We love you so much. We, your family have seen how much you have toiled, sacrificed, and given of yourself blood, sweat, and tears since the beginning when you dreamed of becoming world champion. You never think of yourself and not afraid to risk your life in the ring time and time again because you love to make the people happy. You have achieved by the Grace of God far more than you ever imagined. Yet you never stop working to be your best.”

“Over the years we have become even more proud to be by your side as you inspire us to be kind giving and helpful to all. More than your record feats in Boxing, it is your love for God, dedication to the Word, and desire to share Jesus to every person you meet that makes us admire you more. Always here for you, my babe!”

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

“Win or lose in the ring you are forever the champion of our hearts. To all our kababayans all over the world, thank you for loving Manny. He loves you more than you know. To You LORD, we continue to offer our lives. To God be all the glory!”

error: Content is protected !!