Connect with us

Uncategorized

Jinkee Pacquiao, Naghabagi Ng House Tour Ng Kanilang Mansiyon Sa General Santos City

Ang maybahay ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao, maliban sa pagiging mabuting ilaw ng tahanan ay nakahiligan na rin niya ang paggawa ng vlog. Isa na ito sa kanyang nagiging libangan at paraan na rin upang maibahagi sa publiko ang pamumuhay at kaganapan sa kanilang pamilya.




Kaya naman upang ibahagi sa madla ang isa sa kanilang kahanga-hangang ari-arian, tampok sa kanyang vlog ang house tour ng kanilang mansiyon na matatagpuan sa General Santos City.
Sa kanyang Youtube Channel, kung saan niya ibinahagi ang vlog sa kanyang mga subscribers, makikita sa video na masayang ipinakita ni Jinkee ang bawat bahagi ng kanilang mansiyon.

 

Una nga niyang ibinahagi ang ganda ng living room sa kanilang mansiyon. Sa living room, sasalubong agad ang mga larawan na nakaframe at nakasabit sa pader ng silid. Isinilaysay rin si Jinkee kung saan kuha ang bawat larawan, ang ilan nga sa mga ito ay kuha sa kanyang mga endorsement, photoshoot at magazine. Makikita rin ang isang family picture na kanya umanong ipinasadya upang ilagay sa living room.




Ayon kay Jinkee, mahilig umano talaga siyang pagmaframe ng mga larawan dahil natutuwa siyang nakikita ang kanyang mga anak sa mga larawan habang ang mga ito ay maliliit pa hanggang ang mga ito ay lumaki sapagkat itinuturing niyang isang malaking achievement ng kanyang buhay ang mga ito.

“As you can see iyan ‘yung family picture namin kasi mahilig ako na makikita ko ‘yung mga anak ko na ‘yung baby pa sila hanggang sa paglaki kasi ‘yung mga anak ko ang greatest achievement ko sa buhay ko”.

Maging sa entertainment room ay kapan-pansin rin ang mga larawang nakaframe at nakasabit sa pader. Makikita rin rito ang isang TV flat screen. Ipinakilala rin ni Jinkee ang kanyang kakambal na si Janet na naabotan niya sa siid.

Ang dining area naman ay kompleto sa kagamitan at may dining table na may 8 upuan naman. Ang naturang dining area ay dati umanong open area lamang kung saan sila nagpapahinga, ngunit mas minabuti ni Jinkee na gawing dining area upang doon na sila kumain at magsalo-salo.

Napakaganda naman ng kanilang pool area na talagang mag-eenjoy ang sinumang maging bisita dahil karugtong nito ang guest house na kanilang inilaan sa kanilang mga bisita.

Ang higit na nakakasabik sa bonggang mansiyon nila ay ang pagkakaroon nito ng sariling basketball court. Ayon kay Jinkee, hilig umano ng kanyang asawang si Manny ang paglalaro ng basketball ngunit ayaw nitong lumabas upang maglaro, kaya naisipan nilang magpagawa na lang ng sariling basketball court sa loob ng kanilang mansiyon.




Samantala, nagbahagi naman si Jinkee ng tips para sa mga mag-asawang nanonood ng kanyang vlog upang magkaroon ng masaya at matagal na pagsasama.

“Kasi kami ni Manny parang nagsama kami 20 years old [kami.] Batang-bata pa kami nong nag-umpisa kami so mapapayo ko lang siguro is habaan ‘yung pasensya, understanding ka talaga sa partner mo”.

error: Content is protected !!