Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Nagbalik-tanaw sa Civil Wedding nila ng Asawang si Manny Pacquiao sa Pagdiriwang ng kanilang 21st Wedding Anniversary

Ang kasal ay isang sagradong seremonya para sa dalawang taong nagmamahalan. Ito nga ay hindi lamang ginagawa upang magsilbing batas sa patingin ng tao, kundi isa na ring basbas mula sa Panginoon. Isa ngang biyaya ang maikasal at magsama habang buhay na punong-puno ng pagmamahalan at ang tanging sentro ay ang Panginoon.

Tunay nga na kapag ginawang sentro ng pagsasama ang Panginoon ay walang kapantayan na kaligayahan at saya ang madarama sa piling ng asawa. Bukod nga rito, ay magagawa ring malampasan ang anumang pagsubok na kaakibat sa pagsasama ng mag-asawa.

Katulad na lamang ng mag-asawang Manny at Jinkee Paquiao na naging matatag ang pagsasama sa anumang unos at hamon ng buhay. Hindi maitatanggi na ang isa sa dahilan ng kanilang matibay na pagsasama at puno ng pagmamahalang pamilya ay ang Panginoon.



At kamakailan nga, ay nagdiwang ang mag-asawa ng kanilang 21st wedding anniversary. Ang maybahay ni Manny na si Jinkee, ay hindi halos makapaniwala na umabot na sila ng 21 taon bilang mag-asawa. Tila nga kaybilis ng paglipas ng panahon nang ikasal sila sa isang simpleng seremonya. Pinatunayan nga ng mag-asawang Manny at Jinkee na sila’y magsasama sa hirap at ginhawa.

Sa kanyang Instagram, ay napabalik-tanaw si Jinkee sa masayang yugto ng buhay nila ni Manny kung saan ay nagbahagi siya ng mga larawang kuha sa kanilang civil wedding noong 1999. Idinaan ni Jinkee ang kanyang pasasalamat sa isang bible verse at nakakaantig na mensahe.

πŸ’– 1999 πŸ’– β€œThe two are united into one” Genesis 2:18 ” Then the Lord said, β€œIt is not good for the man to be alone. I will make a helper who is just right for him.” πŸ’•”God gave me you”,

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

ito naman ang mga katagang nasambit ni Jinkee sa labis na pasasalamat sa Panginoon matapos ngang ipagkaloob sa kanya ang isang asawang tulad ni Manny, na talagang napakabuti at mapagmahal sa pamilya.

Mababakas nga sa post ni Jinkee ang kanyang labis na pasasalamat sa Panginoon dahil naging matatag at matibay ang kanilang pagsasama ni Manny.

β€œ21 years and counting! Grabe, how time flies. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat, ang dami nating pinagdaanan, nalampasan ang mga pagsubok at ngayon mananatiling matatag at malakas sa gabay ng Panginoon! I love you, babe! πŸ₯° God is good all the time! πŸ™.”

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram

Samantala, binalikan rin ni Jinkee ang kanilang looks noon ni Manny. Ayon nga kay Jinkee, blonde pa noon ang buhok ni Manny at kamukha umano nito ang panganay nilang anak na si Jimuel, samantalang siya naman ay nahahawig sa anak nilang si Queenie.



β€œBlond pa ang hair mo @mannypacquiao πŸ˜… ikaw murag si jimuel ako murag si queenie πŸ˜…#flashbackfriday #civilweddingceremony.”

Kahanga-hanga namang talaga ang pagmamahalan ng mag-asawang Manny at Jinkee. Isang patunay na may “forever” ang dalawang taong nagmamahalan basta Diyos ang kasama at magiging sentro ng pagsasama. At ngayon nga, makikita sa kanilang pamilya ang isang masayang pamilya na puno ng pagmamahalan.

error: Content is protected !!