Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Masayang Ipinagdiwang ang Kanyang Ika-42 Taong Kaarawan sa Batangas Kasama ang Kanyang Pamilya

Isa na namang panibagong taon ang nadagdag sa buhay ng maybahay ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Dahil nito ika-12 ng Enero ay masayang ipinagdiwang ni Jinkee ang kanyang ika-42 taong kaarawan sa Batangas kasama ang kanyang pamilya.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG




Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Napakasarap naman talagang ipagdiwang ang espesyal na okasyon katulad ng birthday sa piling ng mga mahal sa buhay. At si Jinkee nga, may mas pinili na sa isang kilala at mamahaling resort sa San Benito, Batangas na The Farm, ipagdiwang ang kanyang kaarawan, upang makapagbonding sila ng kanyang pamilya.

Sa Instagram ay masayang ibinahagi ni Jinkee, ang kuha ng larawan kung saan kompleto ang kanilang pamilya. Kabilang nga rito ang boxing champ na si Manny Pacquiao at lima nilang anak. Kalakip naman nito ang mensahe na puno ng pagpapasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap.




“My heart is still smiling. Thank You Lord for everything.”

Sa hiwalay namang Instagram post, ibinahagi ni Jinkee ang larawan ng napakagandang bouquet ng bulaklak, at base sa caption nito, ay bigay ito ni Sen. Manny na kanyang pinasalamatan.

“Thank you, babe!”

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati si Sen. Manny sa kanyang maybahay, kung saan ay pinasalamatan nito ang pagiging isang mabuting asawa at ina sa kanilang mga anak.

“I wish I could put into words how much you mean to me! Thank you for being an amazing wife and mother to our kids. Happy Birthday babe!”

Isa ang pamilya Pacquiao sa hinahangaang pamilya sa industriya ng showbiz na kung saan ay hindi maikakaila ang pagmamahal sa isa’t isa. Kilala rin ang mag-asawang Jinkee at Manny, bilang mga mabuting magulang sa kanilang anak, na sa kabila ng marangyang pamumuhay ay hindi nila hinahayaang lumaki sa luho ang mga ito. Kahanga-hanga rin ang pagiging mapagkumbaba at mabubuting tao ng kanilang mga anak.

Ang mag-asawang Jinkee at Manny ay ikinasal, noong sila’y 19 taong gulang pa lamang. Ang kanilang pagsasama naman ay biniyayaan ng limang anak. Ang panganay na si Jimuel ay isang modelo at aspiring boxer. Si Michael naman ay aspiring rapper. Samantalang sina Mary Divine at Queen Elizabeth ay mga vlogger. Si Israel naman ang bunsong anak.

error: Content is protected !!