Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Masayang Inilibot ang Kanyang mga Tagahanga sa Napakagandang Mansiyon ng Kanilang Pamilya sa General Santos City

Ang pamilya ni Sen. Manny Pacquiao, ay talaga nga namang biniyayaan ng isang masagana at marangyang pamumuhay dahil na rin sa kanyang pagsusumikap sa buhay. Ang puhunan niyang dugo at pawis sa loob ng ring bilang isang boksingero, ngayon nga ay nagbunga na at tinatamasa ng kanyang pamilya.




Sa sipag at tyaga nga ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, ay hindi naman nakapagtataka na marami na siyang naipundar na ari-arian. Kabilang na nga rito, ang napakaganda at napalaki nilang mansiyon na matatagpuan sa General Santos City.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

At ang maybahay ni Sen. Manny na si Jinkee Pacquiao na isang fashionista, na isa na ring vlogger ngayon, ay ipinasilip ang napakagandang tahanan ng kanilang pamilya.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Pagpasok nga sa loob ng kanilang tahanan, ay bubungad ang malawak at maaliwalas na living room area. Dito masisilayan ang ipinagmamalaking mga larawang nakaframe ni Jinkee. Ayon nga rito, ay mahilig talaga siyang magpaframe ng mga larawan dahil masaya siyang makita ang mahalagang kaganapan sa buhay niya. Ilan nga sa mga larawan ay kuha mula sa iba’t ibang endorsement, photoshoot at magazine.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube




Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Kapansin-pansin rin ang malaking larawan ng kanyang pamilya na nakalagay rin sa frame at nakapwesto sa gitnang bahagi ng living room. Ipinagmamalaki rin ito ni Jinkee, dahil ito ang kanyang kayamanan. Ayon nga rito, ang kanyang mga anak ang greatest achievement niya sa buhay kung kaya’t masaya siyang nakikita ang mga anak habang malilit pa ang mga ito.

Pagdako naman sa entertainment room ay mapapansin rin ang mga nakaframe na larawan. Isa namang malaking flat screen TV at komportableng sofa ang masisilayan rito. Naabotan naman rito ni Jinkee ang kanyang kakambal na si Janet, kung saan ay ipinakilala niya sa mga viewers.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Ipinakita rin ni Jinkee ang dining area kung saan sila madalas kumain ng kanyang pamilya. Ayon kay Jinkee, ay dati itong open area at para magamit ang espasyo ay ginawa na lamang itong dining area.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Samantala, mamamangha naman sa ganda ng swimming pool ng mansiyon. Bukod nga sa napakalaki ito, ay karugtong rin nito ang guest house ng mansiyon kung saan tumutuloy ang kanilang mga bisita. Sa pool area rin kadalasang ginagawa ang party ng kanilang pamilya.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

May sarili ring basketball court ang mansiyon ng mga Pacquiao, na ayon kay Jinkee, ay mahilig maglaro ng basketball ang kanyang asawa at mga anak na lalaki. Kaya naman, sa halip na lumabas pa upang maglaro, ay nagpagawa na lamang sila sa loob ng mansiyon.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube




Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Sa huli ay buong puso namang nagbigay ng payo si Jinkee sa mga mag-asawa upang magkaroon ng masaya at matatag na pagsasama. Pahayag nga ni Jinkee, ay maging maunawain at habaan ang pasensya anumang pagsubok ang dumaan. At higit sa lahat, ay gawing sentro ng pagsasama ang Diyos.

error: Content is protected !!