Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao Lumipad Patungong Los Angeles, California Kasama ang Kanyang mga Anak Para sa Nalalapit na Laban ni Manny Pacquiao

Sa bawat laban na haharapin sa loob ng ring ng tinaguriang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay talaga namang buong-buo ang pagsuporta sa kanya ng kanyang pamilya kung saan ay talaga namang pupuntahan ang lugar na pagdarusan ng laban gaano man ito kalayo.

Credit: Jinkee Pacquiao | Instagram

Kaya naman, para sa nalalapit na laban ni Manny sa darating na August 21, araw sa US, kung saan ay makakatunggali niya si Errol Spence Jr, ay todo suporta ang kanyang pamilya at agad lumipad patungong Amerika ang kanyang asawang si Jinkee Pacquiao kasama ang kanilang mga anak at ilang kamag-anak.

At ngayon nga na nasa Los Angeles, California na sina Jinkee, ay nag-enjoy muna sila sa pamamasyal bago sumabak sa laban si Manny. Kamakailan lamang, ay ipinasilip ni Jinkee sa kanyang Instagram ang kanilang masayang adventure sa Los Angeles kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Credit: Jinkee Pacquiao | Instagram

Habang abala si Manny sa kanyang training bilang paghahanda sa laban nila ng kanyang makakatunggali, ay sinasamantala naman ni Jinkee at ng kanyang mga anak ang mapuntahan ang mga nais nilang lugar. Ilan nga sa magagandang lugar na kanilang binisita sa kanilang pamamasyal ay ang Griffith Park at The Grove.

Maliban naman sa masayang adventure sa Los Angeles nina Jinkee kasama ang kanyang mga anak, ay may sweet moments together rin sila ni Manny. Sa Instagram, ay ibinahagi naman ng boxing champ ang sweet photo nila ni Jinkee na kuha sa kanilang “date night” matapos ang kanyang nakakapagod na araw sa pag-eensayo.

Credit: Jinkee Pacquiao | Instagram

“Date night with my beautiful wife after a long day of training,”caption ni Manny sa kanyang post.

Matatandaan na unang linggo pa lang ng Hulyo, ay agad nang lumipad patungong US si Manny para maghanda sa laban nila ni Errol. Sa ngayon nga ay todo ensayo na ang ginagawa ni Manny para paghandaan ang kanilang nalalapit na laban. Ang kanilang paghaharap na talagang inaabangan na ng publiko ay gaganapin sa August 21 sa U.S sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada. At sila ay maglalaban para sa IBF at WBC welterweight titles na hawak ngayon ni Errol.

Credit: Jinkee Pacquiao | Instagram

Maliban sa pagiging isang sikat at kilalang boksingero sa buong mundo, ay isa ring politiko si Manny na kasalukuyang nakaupo bilang Senador ng Pilipinas. Isa ring butihing asawa at ama si Manny sa binuo nilang pamilya ni Jinkee kung saan ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyaaan ng 5 anak, sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.

Sina Manny at Jinkee ay ikinasal noong May 10, 2000. At ngayon nga, ay mas lalo pang naging masaya at matatag ang kanilang pagsasama sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay.

error: Content is protected !!