Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Kinabiliban ng Marami Matapos Ibahagi ang Kanyang Pang-ponytail sa Buhok na Nagkakahalaga ng Mahigit P13,000

Kasabay ng pagpasok ng summer at napakainit at maalinsangang panahon, ay ang pagkaramdam rin ng pagkabalisa ng marami dahil sa matinding init. Kaya naman, ngayong summer, ay talagang usong-uso ang magpagupit ng buhok mapa-lalaki man o babae upang maibsan ang init.

Dahil dito, marami ang nagtutungo sa parlor at barbershop upang magpagupit. Ngunit, ngayong panahon ng pandemya ay ipinagbawal ang paglabas sa bahay, at isa sa alternatibong paraan upang maibsan ang init na dulot ng mahabang buhok lalo na sa mga kababaihan ay ang paggamit ng panali o pang-ponytail.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Katulad na lamang nga ng fashionistang maybahay ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao, na mas gusto ring nakatali ang kanyang buhok ngayong summer. Alam naman ng marami na isang masugid na fashionista ni Jinkee na talaga namang mamahalin ng bawat kasuotan mula ulo hanggang paa.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Kung ang ibang babae nga ay kontento na panali na nagkakahalaga ng sampu hanggang bente pesos, si Jinkee naman ay pinairal pa rin ang pagiging fashionista kahit sa pang-ponytail sa kanyang buhok at hindi ito primerang klase ng panali dahil may malaki itong halaga.

Sa Instagram account ni Jinkee ay ibinahagi niya ang ilan sa kanyang mga pang-ponytail sa buhok na may brand na Fendi at sadyang may mamahaling halaga.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Makikita nga na hindi ito ordinaryong mga panali lamang. Ang disenyo ng mga ito ay masasabi napakaeleganteng tingnan at talagang pang mayaman. Sa katunayan nga nito ang halaga ng set of two ng Fendi scrunchies ay nagkakahalaga ng $270 hanggang $280 kung saan ang halaga ay depende sa disenyo. Katumbas ito ng P13,062 hanggang P13,547.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagbahagi si Jinkee ng kanyang mga kahanga-hangang kagamitan. Makikita nga sa kanyang Instagram page ang kadalasan niyang pagpost. Makikita na ang kanyang mga OOTD, bags, sapatos at maging damit pantulog ay talaga namang branded at mga mamahalin. At ilan nga sa mga ito ay luxury brands na Louis Vuitton, Gucci, Fendi at Balmain.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Tunay nga na isang certified fashionista si Jinkee kung saan ay walang pinapalampas na fashion items upang makamit niya ang looks na talaga namang hahangaan, na kahit panali sa buhok ay sadyang mamahalin. Muli na naman ngang pinabilib ni Jinkee ang publiko dahil sa kanyang mamahaling panali sa buhok.

error: Content is protected !!