Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Ipinasilip Ang Napakagandang Private Resort Ng Kanilang Pamilya Sa Sarangani

Ang pamilya Pacquiao ang isa sa pinakamayaman at pinakakilala pamilya sa bansa. Hindi na nga nakapagtataka kung nagmamay-ari sila ng maraming properties at negosyo. Maliban nga sa mga mala-mansyon sa gandang bahay, ay nagmamay-ari rin sila ng resort na taglay ang napakagandang tanawin.

Photo credits to the owner

Minsan na ngang ipinasilip ng maybahay ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa isang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel ang ganda at lawak ng kanilang pagmamay-aring private resort sa Sarangani. Ang matagal nang kahilingan ng mga tagahanga ni Jinkee na masilip ang pagmamay-aring private resort ng kanilang pamilya ay tinupad na nga niya.

Sa napakaganda at napakalawak na private resort ay may nakalaang mga villa para sa side ng pamilya ni Jinkee at maging sa side ni Manny sa tuwing nagbabakasyon sila dito. Bagama’t, pitong taon na ang nakalipas magmula nang maitayo ang nasabing resort, ay mapapansin na napakaganda parin nito kung saan nga ay talagang naalagaan ng mabuti.

Photo credits to the owner

Masisilayan naman ang ganda ng tanawin na hatid ng malawak na kabundukan at matataas na puno ng niyog. Mas lalo namang pinaganda ang resort ng mga makukulay at magagandang bulaklak at halaman na talagang maayos na naka-landscape.

Photo credits to the owner

Pagpasok naman sa loob ng main villa ay masisilayan ang ganda ng disenyo nito. At ito nga ay may kombinasyon ng kulay asul at puti na bagay na bagay naman para sa theme ng resort. Kapansin-pansin naman ang pagkahilig ni Jinkee sa mga larawang nakaframe na kanyang isinabit sa dingding. Ilan sa mga ito ay magazine covers at campaign ni Jinkee noon. At ayon kay Jinkee, ay natutuwa siyang makita ang kanyang mga ginagawa noon kung kaya’t nagpasya siya na ipa-frame ito at galing display sa bawat dingding ng villa.

Photo credits to the owner

Ipinakita rin ni Jinkee ang dining hall kung saan nga sa lawak nito ay kasya ang napakaraming bisita. Makikita dito ang isang billiard table, table and chairs, at meron ring mga nakahandang couches para makapagrelaks at makapag-enjoy ang kanilang mga bisita.

Isa naman sa hahangaan sa kanilang private resort ay ang napakagandang swimming pool. Makikita dito ang mga malalaking umbrella at lounges na nagsisilbing pahingahan. Mula sa pool area ay matatanaw naman ang napakagandang tanawin na hatid ng malawak na karagatan.

Photo credits to the owner

Makikita naman ang isang tulay na patungo sa gazebo na siyang nasa gitna ng karagatan. At dito nga, ay madalas silang mag-breaskfast o kaya naman ay mag-meditate. Sadyang nakakarelaks naman talaga dito dahil bukod sa tahimik ay napakaganda ring pagmasdan ang sunrise o kaya naman ay sunset.

error: Content is protected !!