Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Ipinasilip ang Kanyang Garden na Punong Puno ng Naglalakihan at Nag-gagandahang Halaman, at Kilalanin ang Artist na Gumawa nito

Isa sa hinahangaang personalidad sa showbiz pagdating sa kanyang kahanga-hangang koleksyon ng mga halaman ay ang maybahay ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Sa dami at ganda ng kanyang mga halaman sa loob at labas ng kanyang bahay, ay masasabi na isa nga siyang certified plantita.




Marahil ay nasilayan na rin natin ang ganda ng kanyang garden kung saan makikita ang ganda ng pagkakaayos ng mga alagang bulaklak at halaman ni Jinkee. At ang tao sa likod ng kanyang napakaganda at kahanga-hangang garden ay isang nagngangalang Roy Bacalso, 42 taong gulang na landscape artist ng Green Style Landscape and Design. Si Roy ay 10 taon nang pinapaganda at inaalagaan ang mga halaman ng pamilya Pacquiao sa General Santos City.

Sa pag-uusap ng PEP.ph at ni Roy sa chat sa Instagram, ay ibinahagi ng landscape artist na, ang mag-asawang Pacquiao nga ay nagpatrabaho sa kanya ng mga landscape, at ipinagkatiwala umano ng mag-asawa sa kanyang kamay ang lahat.

“Sila Sen. Manny and Madame Jinkee, ‘ag nagpatrabaho ‘yan sa akin, they just leave everything based on my imagination and artistry.”

Samantala, pagbabahagi pa ni Roy, ay magkatulong sila ni Jinkee sa pagpapaganda ng garden nito. Si Sen. Manny naman, ay bihira lamang magpagawa sa kanya ng landscape at si Jinkee talaga ang kanyang madalas na makatrabaho sa paggawa ng landscape.

“May mga request ‘yan si Madame Jinkee like flowering plants or bonsai. It all depends sa area na ipa-landscape niya. Si Sen. Manny naman seldom po ‘yan mag-request ng mga plants. While kami dalawa naman ni Madame Jinkee we’re not holding back sa mga ideas.”

Si Roy rin ang nagtanim sa garden ni Jinkee ng sikat na variegated Alocasia elephant ear, na nagkakahalaga ng P25,000. Maging ng iba pang mamahaling halaman ni Jinkee ay siya rin ang nagtanim.

“Actually, may variegated Monstera din siya sa Mansion 2, giant din yun. Naglagay din ako ng giant golden pothos, mga sansevieria, and the rare pink princess philodendrons or ‘rubber plants’”.

Samantala, ibinahagi rin ni Roy kung paano niya nakilala ang pamilya Pacquiao. Ayon nga kay Roy, ay ang kambal ni Jinkee na si Janet Jamora Jumalon ang unang nakakilala sa kanya sa tulong ng architect nitong si Rex Acdal. Hanggang sa ipakilala na siya sa pamilya Pacquiao na kung saan ng mga oras na yun ay naghahanap ng taong maglalandscape sa kanilang garden.




Kwento naman ni Roy, naalala umano niya noong 2012 nang subukin siya ni Jinkee, kung saan ay pinagawa sa kanya ang Mansion 2 sa GenSan.

At dahil nga maganda ang kanyang pagkagawa, ay napabilib umano si Jinkee. Magmula noon ay siya na ang tagapag-ayos ng mga halaman at taga-landscape ng pamilya Pacquiao sa mga ari-arian ng pamilya.

“Eventually, Madame Jinkee found my work impressive and asked me to do the same to their other properties.”

Ilan nga sa mga nagawa niyang i-landscape ay ang garden ng Mansion 1, Pacman Wildcard Gym at The Roadhaus Hotel, na kilala bilang The Pacman Hotel. Ang lahat ng ito ay matatagpuan sa Gensan.

Si Roy rin ang nagpaganda at naglandscape ng garden sa private beach resort sa Glan, Sarangani. Maging ang garden ng ina ni Sen. Manny na si Dionesia Pacquiao, ay siya rin ang gumawa.

Hindi lamang nga bilang kliyente ang turing ni Roy sa mag-asawang Pacquiao kundi bilang mentor at kaibigan na rin.

“Working with them was a great opportunity that God has given to me. They are my spiritual mentor I became a believer and a Christian because of their spiritual influence in my life.”

“I worked with them not merely of my profit side. Having Pacquiao and Jamora families as my clients is a great blessing to me. I work with them beyond business and planted the seeds of friendship instead that’s why I am so grateful with them.”

source: realliving

error: Content is protected !!