Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Ibinida ang Kasipagan at Kagustuhang Matuto sa Pagluluto ng Kanyang mga Babaeng Anak na sina Mary at Queenie

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na bago pa man makamit ng pamilya Pacquiao ang kanilang tinatamasang tagumpay ngayon, ay dumaan sila sa hirap ng buhay. Ang mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao ay magkaramay na magmula pa noong sila’y mahirap hanggang sa guminhawa ang kanilang buhay.

Credits: Jinkee Pacquuiao | IG

Sa pagbuo at pagtataguyod ng kanilang pamilya, ay makikita naman na sa kabila ng marangyang pamumuhay, ay hindi hinayaan ng mag-asawa na lumaking matapobre ang kanilang mga anak, at makalimutan kanilang pinagmulan.

Matatandaan nga na minsang nang ibinahagi ng mag-asawang Manny at Jinkee na ipinaranas rin nila sa kanilang mga anak ang hirap ng buhay, tulad na lamang nga ng pagpasok sa pampublikong paaralan at paggawa ng mga gawaing bahay. Kahit nga may mga katulong na sa kanilang bahay, ay tinuturuan parin nila ang kanilang mga anak na matuto sa mga gawaing bahay, gaya ng paglalaba, paglilinis, paghuhugas ng plato at pagluluto.

Credits: Jinkee Pacquuiao | IG

At kamakailan lamang nga, ay proud na proud si Jinkee sa kanyang dalawang anak na babae na sina Mary at Queenie kung saan ay magkatulong sa pagluluto. Sa kanyang Instagram account, ay masayang ibinahagi ni Jinkee ang video at larawan kung saan makikitang abala ang dalawa sa pagluluto.

Makikita sina Mary at Queenie na magkatulong sa paghahanda ng mga sangkap na kanilang kakailanganin sa pagluluto, katulad na lamang nga ng paghihiwa ng gulay. Makikita rin na sila mismo ang nagsalang at nagluto ng kanilang inihandang sangkap.

Credits: Jinkee Pacquuiao | IG

At bilang isang ina nga, ang masilayang magkatulong ang kanyang mga anak sa gawaing bahay, lalo na nga’t nakikitaan niya ang mga ito ng kagustuhang matuto lalo na sa pagluluto, ay nagdudulot sa kanya ng kakaibang saya. Kaya naman, nang makita ang napakagandang eksenang ito sa kusina ng kanilang bahay, ay ganun na lamang nga ang pasasalamat ni Jinkee sa Panginoon.

Credits: Jinkee Pacquuiao | IG

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa dalawang bata na ito na willing matuto lalo na pagluluto. Goodjob girlzzz. We miss you and we love you so much.”

Kahit naman abala ang mag-asawa sa kani-kanilang gawain, ay hindi naman sila nawawalan ng oras sa kanilang mga anak. Katuwang ni Jinkee sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang limang anak si Manny, na talagang kahanga-hanga ang pagiging isang mabuting padre de pamilya.

Credits: Jinkee Pacquuiao | IG

Sa kabila ng maganda at marangyang buhay na ibinigay ni Manny sa kanilang pamilya, ay nais parin niyang lumaking mapagkumbaba, responsable, at mabubuting tao ang kanilang mga anak ni Jinkee. Kaya naman, kahit na teenager pa lamang ang mga ito, ay iminulat na ng mag-asawa ang kanilang mga anak na matuto sa gawaing bahay, maging responsable sa buhay at higit sa lahat ay maging mapagkumbaba, at huwag kalimutan kung saan sila nagmula.

error: Content is protected !!