Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Ibinahagi ang Tila Nasa Bakasyon na Quarantine Life ng Kanilang Pamilya

Ngayong panahon ng pandemya ay dobleng pag-iingat ang ginagawa ng marami sa atin para hindi mahawaan ng kumakalat na sakit. At isa nga sa safety protocols na ipinapatupad ay ang pagkakaroon ng quarantine.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Hindi nakaligtas ang pamilya ng mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na sumailalim sa quarantine sa kanilang pagbabalik bansa matapos ang laban ng Pambansang Kamao sa Cuban boxer na si Ugas na naganap sa Amerika.

Sa isang napakaganda at mamahaling hotel sa Maynila tumuloy ang mag-asawang Manny at Jinkee kasama ang kanilang mga anak para sa kanilang quarantine. At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ng maybahay ni Manny na si Jinkee ang ilang araw nilang pananatili sa Conrad Hotel Manila.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Naging sunod-sunod ang pagpost ni Jinkee sa kanyang Instagram account ng mga larawan sa kuha sa napakagandang hotel. Napansin nga ng mga netizens na talagang bongga ang quarantine ng pamilya Pacquiao at marami ang nagsabi na tila nasa isang bakasyon lamang sila habang nasa quarantine.

Sa unang araw nga, ay agad na ibinahagi ni Jinkee sa kanyang Instagram ang masasarap na dishes na hain ng hotel para sa kanilang pamilya. At talaga namang nakakatakam ang mga pagkain na makikita sa nasabing post ni Jinkee.

Nasundan naman ito ng isang larawan na hatid naman ay napakagandang view at ito nga ay kuha mula sa kwarto ng tinutuluyan nilang hotel. Ang nasabing larawan naman ay nilakipan niya ng caption na hango sa isang Bible verse.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Sa pangatlong araw naman ng kanilang pananatili sa hotel, ay ipinasilip ni Jinkee ang magandang sala ng kanilang tinutuluyang hotel. At kung pagmamasdan nga, ay tiyak na mag-eenjoy at makakapag-relax rito ng husto ang kanilang pamilya.

Sa mga sumunod pang araw, ay masaya namang ibinahagi ni Jinkee kung gaano kasaya ang kanilang quarantine. Sa larawang kuha sa sala ay makikita nakasuot ng blue terno shorts pajama si Jinkee habang may hawak na tasa. At makikita naman talaga na sosyal na sosyal ang dating ng misis ni Manny. Napag-alaman naman na hindi biro ang presyo ng suot na Louis Vuitton Monogram pajama ni Jinkee dahil ito’y nagkakahalaga ng 3,800 dollars.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami ang pagiging fashion icon ni Jinkee, at minsan na nga siyang pinag-usapan ng publiko sa kanyang suot na nagkakahalaga ng halos P2 Million nang dumalo sa laban ng kanyang asawa.

Muli na naman ngang humakot ng samu’t saring komento si Jinkee mula sa publiko matapos masilayan ang kanilang bonggang quarantine life na tila nasa isang bakasyon lang.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

“Pag ganyan lugar ng quarantine area di k tlg maiinip. You are so blessed Ms. Jinky”

“Why do you show all properties on Facebook. WHY? Aren’t you ashamed if doing that ? Or you just don’t have any more indignity.”

“tama nga sabi ni jinkee…PAG INGGIT PIKIT”

error: Content is protected !!