Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Hindi Napigilang Maiyak Sa Handog Na Supresa Ng Mga Anak Na Dinner Date Para Sa Kanila Ni Manny

Published

on

Ngayong panahon nga pandemic at naka-quarantine, isa sa mga hindi nagagawa ng mga mag-asawa ay ang magkaroon ng dinner date sa labas ng kanilang tahanan. Ngunit, ang pagkakaroon ng date ay maaari pa ring isakatuparan sa loob ng tahanan sa tulong ng mga anak.

Kagaya na lamang ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na kahit noong wala pang quarantine ay hindi pa nakakaranas na magkaroon ng dinner date ngunit dahil sa tulong ng kanilang mga anak, ang inaasam na dinner date ay naisakatuparan na.




Naghanda ng isang surpresang dinner date ang mga anak nina Jinkee na sina Mary, Queenie, Emmanuel, at Michael para sa kanilang magulang. Naisipan ng mga magkakapatid na pasayahin at surpresahin ng isang dinner date dahil hindi pa nakakapagdate ang mag-asawa. Kaya naman, dahil sa ginawang ito ng magkakapatid, hindi napigilan ng kanilang inang si Jinkee ang maiyak sa inihandang surpresa ng mga anak.

“Surprise Dinner Date. Itong surprise na ito ay effort ng mga anak ko. Salamat sa inyo mga anak ko. Na-touch ako kaya ‘di ko napigilan umiyak,” caption sa post na ibinahagi ni Jinkee sa Instagram.

Hindi rin naman mawawala ang bulaklak na bigay ng magkakapatid para sa kanilang ina.

“May pa bulaklak pa yan at letter! Sabi nila hindi daw nila kami nakikita na nagdi-date sa labas kahit nung wala pang quarantine kaya naisip nila na mag set up ng dinner for us. Ka-sweet sa akua mga anak! Abi man nako Mother’s Day gihapon!” paliwanag ni Jinkee.

“We are very grateful to God for our children! Thank you Lord for choosing us to be their mom and dad, to love and to care for them!” pahayag pa ni Jinkee.

Upang maging mas romantiko sana ang set-up na dinner date, gaganapin sana ito sa labas ng kwarto ng mag-asawa, ngunit bigla na lang umulan bago pa man ang surpresa kung kaya’t inilipat ito sa opisina ng pambansang kamao.




Ngayong panahon ng quarantine ay sama-sama ang pamilya sa kanilang tahanan sa Makati. Ang bawat sandali naman ay sinusulit ng magkakapatid upang makasama at makabonding ang mga magulang. Samantala, ang ama naman nilang si Manny ay maraming pinagkakaabalahan bilang isang senador, kaya naman, ngayong nakakasama siya ng kanyang mga anak ay sinusulit ng mga ito ang bawat oras na kasama ang ama sa pagbuo ng mga masasayang ala-ala.

error: Content is protected !!