Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Binalikan ang Masayang Yugto ng Buhay Niya Bilang Isang Beauty Queen noong Siya’y Nasa Kolehiyo pa

Ang maybahay ng Pambansang Kamao at Senator na si Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao, ay talaga namang nakilala na ng lahat bilang isang media personality, modelo at ambassador ng mga kilalang kompanya. Isa na ring matagumpay na negosyante si Jinkee kung saan ay may sarili siyang make-up line na inilaunch noong nakaraang Agosto.




Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Hindi naman maitatanggi na malaki ang pagkahilig ni Jinkee pagdating sa pagpapaganda. Kaya naman ang pasukin ang beauty industry para sa kanyang make-up line, ay isang pangarap na kanyang minimithi na kanyang nabigyang katuparan. Ayon nga kay Jinkee, ay natupad niya ang pangarap na ito, dahil ito talaga ang hilig niya at buong puso at kaluluwa niya ang inilaan para rito.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

“Two years ago, having my own makeup line was just a dream and a vision. I knew it would take courage and passion to make it happen, and i was prepared to put my heart and soul into it.”

“Today, two years after, that vision has finally become a reality. My newest venture, Jinkee Cosmetics, is finally born. Like a rose in full bloom, now my passion for beauty [can] also [be] yours.”

Samantala, ang hilig ni Jinkee sa pagpapaganda ay noon pa pala niya taglay. Kamakailan nga, ay ibinahagi ni Jinkee ang kanyang pagbabalik tanaw sa masayang yugto ng buhay niya bilang isang beauty queen noong nasa kolehiyo pa siya.

Sa Instagram, ay proud na ibinahagi ni Jinkee na minsan sa buhay niya, ay sumali siya sa beauty pageant ng kanyang paaralan. Ito nga ay nang maging kalahok siya ng Ms. AMA Computer College noong 1995. Isang larawan ang ibinahagi ni Jinkee kung saan makikita ang kanyang crowning moment bilang Ms. AMA Computer College.

Caption naman sa post ng nasabing larawan ni Jinkee, ay nagliligpit umano siya ng gamit, at kanyang nakita ang throwback photo. Saad pa nga ni Jinkee, ay napakabilis ng paglipas ng panahon.

“College days! 😍 Habang ako’y nagliligpit ng mga gamit ko nahalungkat ko to sa aking mahiwagang baul. 😂 Nung sumali ako ng Ms. AMA Computer College. #crowningmoment Grabe ang bilis ng panahon! #verythrowback.”




Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagbahagi siya ng kanyang mga larawan na sumali siya sa beauty contest. Dahil noong taong 2018, ay minsan nang ibinahagi ni Jinkee sa Instagram ang kanyang larawan nang sumali naman siya sa Binibining Heneral Santos sa kanilang bayan sa General Santos City.

“Flashback Friday 👑 1996 when i joined “Binibining Heneral Santos” (Ms. Gensan 👑) Can you spot me in this picture?”

Talaga nga namang kahanga-hanga ang ganda ni Jinkee, na kung saan ay pinatunayan matapos magwagi sa mga sinalihang beauty contest. At ang masayang yugto ng buhay ni Jinkee bilang isang beauty queen, ay talagang dala-dala niya hanggang ngayong isa na siyang matagumpay na personalidad sa showbiz.

error: Content is protected !!