Connect with us

Entertainment

Jimuel Pacquiao, Natagpuan na ang Taong Magbibigay Saya at Kulay sa Buhay Niya sa Katauhan ng Bagong Talent ng Star Magic

Naging maugong na usapin sa industriya ng showbiz noon ang relasyon ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo, at panganay na anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao.




Matatandaan kasi na ang relasyon ng dalawa ay humantong sa hiwalayan noong Pebrero ng nakaraang taon. Nagsimula man sa magandang kabanata ang love story ng dating magkasintahan, ay nauwi pa rin ito sa hiwalayan. Pag-amin nga ng mga ito sa magkahiwalay na panayam, ay hindi naging madali ang kanilang paghihiwalay.

Photo credits: arabelladelro | Instagram

Nakaranas man ng kalungkutan at sakit ng kabiguan, ay hindi naman ito hadlang upang maayos nina Jimuel at Heaven ang namagitan sa kanila upang maging maayos ang kanilang paghihiwalay. Masasabi nga na tila matured na sila sa usaping puso, kung kaya’t natanggap na nila pareho na hindi talaga sila para sa isa’t isa. Kaya naman, mas pinili ng dating magkasintahan na maging magkaibigan na lamang.

Photo credits: arabelladelro | Instagram

Matapos naman ang naranasang pait ng pag-ibig, ay tila natagpuan na ni Jimuel ang babaeng muling magpapatibok ng kanyang puso na siyang magbibigay saya at kulay sa buhay niya.

At kamakailan nga, ay usap-usapan ang panganay na anak ni Sen. Manny na si Jimuel sa social media. Ito nga ay dahil napansin ng mga netizens na tila may namamagitan sa binata at sa bagong talent ng Star Magic na si Arabella Del Rosario.

Napukaw ang interes ng mga netizens, matapos magbahagi sina Jimuel at Arabella ng mga larawan sa kani-kanilang social media accounts. Makikita sa mga larawan ang kanilang kasweetan dahilan upang mas lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na may relasyon nga ang mga ito.




Sa Twitter account ni Jimuel, ay ibinahagi niya ang dalawang larawan na naghatid ng intriga sa isipan ng mga netizens. Simpleng “Hi” man ang naging caption ni Jimuel, ay tila mayroon naman itong ipinapahiwatig.

“Hi @arabelladelro”,caption sa post ni Jimuel.

Photo credits: arabelladelro | Instagram

Gamit naman ang kaparehong larawan, ay nagpost rin ang bagong talent ng Star Magic na si Arabella. Isang maikling caption na “Hi cutie” ang inilakip ng dalaga sa kanyang post kung saan ay nilagyan pa ng lovestruck emoji.

Photo credits: arabelladelro | Instagram

Sa mga larawang ibinahagi, makikita na magka-holding hands ang dalawa habang lulan ng sasakyan ni Jimuel. Sa isang larawan naman, ay makikita ang tangkang paghalik ni Jimuel sa napakagandang kamay ni Arabella.

Photo credits: arabelladelro | Instagram

Sa ngayon, ay wala pang pahayag ang dalawa kung paano sila nagkakilala. Ngunit, dahil pareho silang nasa ilalim ng Star Magic kung saan madalas dumalo sa mga event ng ABS-CBN, marahil ay doon nga nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

error: Content is protected !!