Connect with us

Entertainment

Jimuel Pacquiao, Masayang Ipinagdiwang Ang Kanyang 19th Birthday Kasama Ang Kanyang Pamilya

Published

on

Ang panibagong taon ng ating kapanganakan ay maituturing na isang biyaya mula sa Maykapal. Kaya naman ang espesyal na selebrasyon na ito ay talaga nga namang ating pinaghahandaan.

Photo Credit: Emmanuel Pacquiao Instagram




Ang bawat taon na lumilipas ay hindi natin namamalayan na ang mga batang nagdiriwang ng kaarawan noon, ngayon ay malalaki at binata na.

Screenshot: Michael Pacquiao Youtube Channel

Kagaya na lamang ng anak nina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na parang kailan lang ay maliit na bata lamang ngunit ngayon ay malaki at nagbibinata na.

Screenshot: Michael Pacquiao Youtube Channel




Kamakailan nga ay masayang nagdiwang ng kanyang 19th birthday si Jimuel na hindi maitatanggi ang pagiging binata nito sa kanyang tindig.

Screenshot: Michael Pacquiao Youtube Channel

Screenshot: Michael Pacquiao Youtube Channel




Ang mahalagang selebrasyong ito ng buhay niya ay masaya niyang ipinagdiwang kasama ang kanyang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay. Maging ang kanyang malalapit na mga kaibigan ay hindi rin nawala sa naturang okasyon.

Photo Credit: Bernard Cloma Instagram

Samantala, ang mga magulang ni Jimuel na sina Sen. Manny at Jinkee ay ipinaabot ang kanilang pagbati sa mahal na anak sa pamamagitan ng isang mensahe na pinost sa social media. Makikita sa mensahe ng mga ito ang pagiging malapit nila sa isat-isa na talagang mararamdaman ang pagmamahal ng magulang sa kanilang anak.

Photo Credit: Jinkee Pacquiao Instagram




“Time flies fast! ? Happy 19th Birthday,???my dear son Jimuel! I have not stopped thanking God for giving you to us! I pray for you constantly, asking God, the glorious Father of our Lord Jesus Christ, to give you spiritual wisdom and insight so that you might grow in your knowledge of God. I also pray that you will understand the incredible greatness of God’s power for you who believe in Him. ✨?♥️ Continue to be an obedient child of God! We love you so much! Jesus loves you! ✨♥️”

Saad ng mensahe ni Jinkee sa anak.

Photo Credit: Manny Pacquiao Instagram

“Happy Birthday @pacquiao.emmanuel So proud of the man you’ve become. Love you always!”

Pahayag naman ni Sen. Manny.

Ang napakagandang mensahe mula sa mga magulang ni Jimuel ay punong-puno ng pagmamahal na ipinapakita ang magandang relasyon at pagmamahal sa Diyos. Tunay nga na ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa Diyos ay napakahalaga at dapat na isabuhay ng isang tao.

Photo Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Tiyak na masayang-masaya si Jimuel sa naging pagdiriwang ng kanyang kaarawan lalo pa’t kasama niya ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay, at higit sa lahat ay masaya rin niyang napasalamatan ang Diyos sa panibagong taon ng kanyang buhay na ipinagkaloob sa kanya.




error: Content is protected !!