Connect with us

Entertainment

Jhong Hilario Ipinasilip ang Naging Masayang Bakasyon nila ng Kanyang Pamilya sa Napakagandang Isla ng Boracay

Halos dalawang taon din mahigit na hindi nakapagtravel ang halos lahat ng tao sa ibat-ibang panig ng mundo dahil sa kumalat na pandemya, ngunit ngayong maluwag na at hindi na ganoon kahigpit ang mga restrictions, hindi na magkamayaw ang mga tao na magbakasyon sa mga magaganda at nakakarelax na destinasyon.

Katulad nalang ng mga celebrity showbiz na mapapanood sa kanilang mga vlog ang kanilang mga masasayang travel, isa na dito ay ang aktor at host na si Jhong Hilario kung saan kamakailan lang ay masayang nagbakasyon sa napakagandang isla ng boracay kasama ang kanyang pamilya.

Opisyal ng hinayag ni Jhong na magoopen siya ng sarili niyang youtube channel at isa sa kanyang mga unang upload dito ay ang kanilang masayang bakasyon sa Boracay kasama ang pamilya.

Sakay ng Cebu Pacific, lumipad si Jhong at ang kanyang pamilya patungong Boracay, at pansamantalang nanirahan sa The Auhana Hotel.

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Naging mainit ang pagtangap sa pamilya ng aktor ng nasabing hotel kung saan pagpasok sa kanilang hotel room ay makikita na naglagay ang mga staff ng hotel ng isang baby area para sa anak ni Jhong kung saan may isang maliit na baby tent na may kutson at mga laruan.

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

May nakahanda ding baby crib sa loob ng kanilang kwarto kung saan pwedeng pwede tulugan ni Sarina.

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Pagbabahagi ng aktor na pangalawang beses na nilang nag-istay sa hotel na ito kasama niya noon ang kanyang mga magulang, mga pamangkin at wala pa noon ang kanyang anak. Talagang nagenjoy umano sila dito kaya napili uli niya na dito ulet magstay. Napakabait umano ng mga staff dito at napaka accomodating. Kaya naman sigurado si Jhong na mageenjoy dito ang kanyang pamilya ngayon especially daw ang anak na si Sarina.

Ipinasilip din ni Jhong ang banyo ng kanilang hotel kung saan may napakalaking espasyo, may nakahanda ding paliguan ang hotel para sa kanilang anak na si Sarina.

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Sa pagpapatuloy ng vlog ni Jhong, ipinasilip nito ang kanilang mga naging activities sa resort, ang ilan dito ay ang paliligo sa napakagandang karagatan sa harap ng kanilang hotel, pagkain ng masasarap na pagkain kagaya ng fresh seafoods.

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Sobrang saya ng bonding ng pamilya, makikita din kung gaano kaclose ang mag-amang si Sarina at Jhong, napakalambing ni Sarina sa ama na sinabi pa nga ng asawa ni jhong na mawala lang ng saglit ang ama ay naghahanap na ito.

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Sa patuloy na pamamasyal ng pamilya ni Jhong at pamilya, ay nilibot nila ang hotel property kasama ang kanilang tour guide, ang general manager ng hotel na si Ms. Shirley.

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Ibinahagi ni Mam Shirley na ang resort ay may kabuoang sukat na 7.6 hectares at mayroong 494 rooms at 9 na buildings. Mayroon itong chapel, kids club, vegetable garden, gym, indoor activity room para sa mga adult kung saan mayroon ditong billiards, dart, table tennis at kung ano ano pa.

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Isa din sa ikinatuwa ni Jhong ay ang pagpropromote ng resort sa Filipino Culture, matapos maenjoy ni Jhong at kanyang pamilya ang isang gabi habang nanonood ng mga sumasayaw  ng mga pilipinong sayaw kagaya ng tinikling at marami pang iba. Mayroon din pa fire dancing ang resort.

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Binati naman ng resort staff ng maligayang kaarawan ang asawa ni Jhong na si Maia Azores. Samantala  hinandugan naman ni Jhong ang mga hotel staff ng isang nakakatuwang awit.

Photo credits: Jhong Hilario | Youtube

Hindi naman natapos ang gabi dito ng mag-asawa dahil sinubukan naman nila magpamasahe. Sobrang nagenjoy sila Jhong at kanyang pamilya sa kanilang boracay experience at talagang makikita kung gaano sila kasaya ng mamaalam na sila sa mga hotel staff at sa Auhana Beach Resort.

 

 

error: Content is protected !!