Connect with us

Entertainment

Jessy Mendiola, Pinabilib Ang Publiko Matapos Ipamalas Ang Kahanga-hangang Kaseksihan Sa Kanyang “Last Hurrah” Photoshoot

Ang aktres na si Jessy Mendiola ay talaga namang hinahangaan ng marami dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan. Hindi nga binibigo ni Jessy ang kanyang mga tagahanga sa tuwing magpo-post siya sa Instagram ng kanyang larawan, kung saan nga ay inuulan ng komento ng paghanga mula sa mga netizens.

Photo credits: Jessy Mendiola| IG

At kamakailan lamang nga, ay muling lumikha ng ingay ang aktres sa social media at dinagsa ng komento na papuri ang kanyang mga larawan kung saan masisilayan ang nag-uumapaw niyang kagandahan at kaseksihan.

Photo credits: Jessy Mendiola| IG

Bago sumapit ang ika-30 taong kaarawan ni Jessy, ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na magkaroon ng isang birthday photoshoot, na tiwanag niyang “Last Hurrah”. Ayon nga sa magandang aktres, ay tinodo na nga ang kanyang pag-awra at pagpapaseksi sa nasabing photoshoot dahil baka ito na raw ang huling beses na masisilayan ang kanyang pagpapaseksi.

Photo credits: Jessy Mendiola| IG

“Giddy up. It’s been a long time since I had a photo shoot like this. Last hurrah before I turn 30 this year!”

Ngunit, ayon naman kay Jessy, ay muntik na niyang hindi mapost ang kanyang mga larawan na kuha sa kanyang “Last Hurrah” photoshoot. Sa huling bahagi rin caption ng aktres, ay nagpasalamat siya sa pagpapalakas ng kanyang loob.

Photo credits: Jessy Mendiola| IG

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Jessy na nagmistula siyang isang cow girl suot ang napakaseksing outfit kung saan masisilayan ang kanyang maputi at makinis na balat. Talaga namang kaakit-akit ang larawan ni Jessy na nagpapakita ng kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan.

Photo credits: Jessy Mendiola| IG

Dahil nga sa kahanga-hangang kagandahan at napakagandang hubog ng katawan ay agad niyang nabihag ang atensyon ng netizens na talaga namang napabilib. Makikita naman sa napakagandang katawan ni Jessy na sulit ang kanyang pagwowork out, dahil masisilayan nga na talagang napaka fit at seksi ng kanyang katawan.

Photo credits: Jessy Mendiola| IG

Agad nga itong pinusuan ng maraming netizens at nag-iwan ng komentong puno ng paghanga. Ang mister nga ni Jessy na si Luis Manzano ay hindi nagpahuli sa pagbibigay ng papuri sa kanyang napakagandang may bahay. Sa taglay nga na ganda at napakaputing kutis ni Jessy, ay talagang nag-init rin ang mister nito matapos niyang ibilad ang kanyang kagandahan at kaseksihan.

Photo credits: Jessy Mendiola| IG

Komento nga ni Luis,“Pauwi na po ako.”

Sinundan pa niya ito ng comment na,“AYYYYYYYYYYYYYY GRABE”

Marami rin sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ang nag-iwan ng komento na puno ng paghanga.Katulad na lamang nga nina Gonzaga, KC Concepcion, Iza Calzado, Meg Imperial at marami pang iba. Talaga namang hindi parin kumukupas ang taglay na kagandahan at kaseksihan ni Jessy, at patuloy na pinapabilib ang kanyang mga fans.

error: Content is protected !!