Connect with us

Entertainment

Jessy Mendiola, Ipinasilip ang Masayang Honeymoon Trip Nila ng Kanyang Asawang si Luis Manzano Sa Amanpulo

Dahil nga sa pandemya, matapos ang pag-iisang dibdib ng mag-asawang sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang inaasahang masayang honeymoon ay naudlot.

Credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Matatandaan na ikinasal sina Jessy at Luis noong February 21, 2021 sa pamamagitan isang intimate wedding ceremony na ginanap sa The Farm sa San Benito sa Lipa, Batangas matapos ma-engaged sa isa’t isa noong December 2020. Sina Jessy at Luis ay limang taon nang magkasintahan na nagsimula ang pag-iibigan noong taong 2016.

Matapos nga maudlot ang kanila sanang masayang honeymoon, kamakailan lamang, ika-6 ng Agosto ay masayang ipinasilip ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang bakasyaon para sa kanilang honeymoon ng kanyang asawang si Luis. At para nga sa kanilang pinakahihintay na honeymoon ay nagpasya ang mag-asawa na magtungo sa mala-paraiso sa gandang isla ng Amanpulo sa Palawan.

Espesyal at talagang malapit sa kanilang puso ang Amanpulo dahil dito rin naganap at kinunan ang mga magagandang litrato sa kanilang prenup photoshoot.

At sa latest vlog nga ni Jessy, ay ipinasilip niya sa kanilang mga tagahanga kung paano nila ginugol ang oras habang sila’y magkasama sa mala-paraiso sa gandang isla ng Amanpulo. Sa napakagandang isla, ay tiniyak ng mag-asawa na mag-eenjoy at makakapag-relax sila sa kanilang quality time.

Sa loob ng apat na araw na pananatili nila sa Amanpulo, ay masayang ipinasilip ni Jessy ang kanilang mga pinagkaabalahan. Pagsapit ng umaga ay agad na ipinakita ng mag-asawa ang kanilang pagwo-work out ng magkasama. Makikita naman ang magandang hubog ng katawan ng aktres na dahilan nga ng kanyang tamang diet at pag-eehersisyo.

Matapos naman ang kanilang pagwowork out ay nagtungo ang mag-asawa sa isang restaurant kung saan nga ay nag order ng kanilang paboritong pagkain. Kapansin-pansin naman ang pagkahilig ni Jessy sa salad na ayon kay Luis ay talagang paboritong kainin ng kanyang asawa sa tuwing pumupunta sila sa Amanpulo.

Namasyal rin ang mag-asawa sa beach at sa daan nga ay nasalubong nila ang naglalakihang bayawak, kung saan nga ay nais makita ng malapitan ni Jessy. Bagama’t sa pagpunta nila beach ay masama ang panahon dahil sa malakas na hangin, ay hindi naman ito hadlang para ipakita ni Jessy ang kanyang kaseksihan sa suot na swimsuit sa siyang makikita sa mga larawang ibinahagi sa kanyang video. Idagdag pa nga rito ang ganda ng tanawing masisilayan na hatid ng puting buhangin at bughaw na karagatan.

Hindi naman maikakaila na talagang nag-enjoy ang mag-asawa sa ilang araw nilang pananatili sa napakagandang isla ng Amanpulo. Sa kanilang pag-alis sa lugar ay pinasalamatan ng mag-asawa ang mga taong tumulong sa kanila para maisakatuparan ang kanilang naudlot na honeymoon.

error: Content is protected !!