Connect with us

Stories

Jessy Mendiola, Hindi Nakapagpigil, Umalma Matapos Makitang Kasama si Luis Manzano sa mga Viral Memes ng mga Groom na Umiiyak

Hindi nakaligtas si Luis Manzano sa mga lumalabas na memes na viral ngayon sa social media patungkol sa mga groom na umiiyak sa kanilang kasal.

Nagviral sa social media ang hiwalayang Jason Hernandez at Moira Dela Torre kung saan ilan sa mga memes na lumabas ay ang larawan ni Jason Hernandez habang umiiyak sa altar kasama ang ilan sa mga celebrities at vlogger na kamakailan lang din ay usap-usapan dahil din sa hiwalayan sa kanilang mga partners.

Hindi naman napigilan ng asawa ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola ang magreact sa mga memes na lumalabas sa social media kung saan may mga pinagsama sama na larawan ng mga sikat na groom na umiyak noong araw ng kanilang kasal na ngayon ay hiwalay na sa kanilang partner, napasama diumano dito si luis kaya naman hindi ito pinalampas ni Jessy.

Photo credits: senorita_jessy | IG

Sa isang post ng Facebook page na 1 Day, makikita ang mga larawan ng mga emosyunal na groom habang naglalakad sa altar ang kanilang mga bride, pabiro umanong ipinost ng nasabing facebook page na “Kapag umiyak ang groom nyo sa wedding day, ay kabahan kana mare.” May kalakip na sumpa umano ang pagiyak ngayon ng groom dahil maari itong mauwi sa hiwalayan kagaya ng nangyari sa mga groom na kasama sa larawan.

Photo credits: 1Day | Facebook 

Tanging si Luis Manzano diumano ang maaring makaputol ng sumpa o di naman uunahan na siya ng kanyang asawa na si Senyorita Jessy.

Photo credits: 1Day | Facebook 

Agad naman nagbigay ng komento dito si Jessy at sinabi nitong wag pagtawanan ang heartbreak ng ibang tao dahil mabilis diumano ang karma at maaring bumalik sa mga taong ginagawang katatawanan ang sakit na pinagdaraanan ng isang tao.

“Never wish ill on others. ❤️ masyado nang madaming negativity sa mundo. ☺️ wag pagtawanan ang heartbreak ng ibang tao, mabilis ang karma.”

Kaya sa mga taong mahilig gawing katatawanan ang problema ng ibang tao, iwasan nyo na ito dahil maaring bumalik talaga sainyo kung ano ang hindi magandang ginagawa ninyo sa iba.

 

error: Content is protected !!