Connect with us

Entertainment

Jericho Rosales, Ibinahagi Na Nangongolekta Ng Mga Kalakal at Naging Fish Vendor Noon Para Kumita ng Pera Bago Maging Isang Sikat Na Artista

Ang bawat artista sa industriya ng showbiz ay may kanya-kanyang kwento sa likod ng kanilang tinatamasang tagumpay ngayon. Kung ang ilan nga ay mapalad dahil nagmula na sa pamilya ng mga artista, ay ilan naman na talagang nakaranas muna ng matinding hirap sa buhay bago tuluyang makamit ang tagumpay.

Credits: Jerico Rosales | IG

Ang kwento ng aktor na si Jericho Rosales ay inspirasyon ang hatid sa kanyang mga tagahanga matapos niyang ibahagi ang hirap na kanyang pinagdaanan bago niya tuluyang makamit ang tagumpay. At sa kanyang social media account, ay inilahad ni Jericho sa isang mahabang post ang kanyang hirap na pinagdaanan sa buhay upang magsilbing inspirasyon sa iba pang nangangarap.

Panimula nga ng aktor, ay may mga tao umanong hindi nagpupursige sa pag-abot ng kanilang mga pangarap dahil sa mga bagay na humahadlang para maabot ito.

“think a lot of us have stopped dreaming and reaching our goals because of the negative factors around us- poverty, lack of support and the additional uncertainty we get from this pandemic. Or at least we deeply questioned them. Our tomorrows are filled with questions and cares. It is natural for us to think that way. We all are going through this and it is very hard.”

Credits: Jerico Rosales | IG

-diin naman ni Jericho na kahit gaano man kahirap ang daan patungo sa tagumpay, mahalaga parin na maging positibo ang pananaw at punuin ng pag-asa ang puso dahil walang imposible sa pag-abot ng mga pangarap.

“Dreams are dreams because they seem far from reality. It can be easy to forget about them. But with a heart full of hope and a mind filled with positivity, nothing is impossible.”

Matapos nito ay nagsimula nang magkwento ang aktor tungkol sa buhay na kanyang tinahak bago siya mapadpad sa mundo ng showbiz at maging isang sikat na artista. Lingid sa kaalaman ng publiko, ay nagmula sa kahirapan si Jericho kung saan nga ay maagang namulat sa hirap ng buhay. Kwento ng aktor ay highschool lamang ang kanyang natapos at dahil nga sa hirap ng kanilang pamumuhay ay hindi na siya nakapag-aral pa sa kolehiyo.

Credits: Jerico Rosales | IG

“I came from a poor family, went to 6 public schools in elementary and high school. Didn’t go to college because i didn’t know what career meant and we simply could not afford it.”

Naibahagi rin ni Jericho ang mga trabaho na kanyang pinasok para lamang kumita ng pera at makatulong sa kanyang pamilya. Hindi man madali ang kanyang pinagdaanan, ay hindi sumuko ang aktor para lamang makaraos sa maghapon. Ayon nga kay Jericho, ay nangongolekta siya ng mga kalakal para maibenta sa junk shop upang magkapera. Naranasan rin niyang maging fish vendor sa palengke, magtinda ng ice buko at maging jeepney barker.

Credits: Jerico Rosales | IG

“When i was young i collected discarded wires and old newspapers to be sold in junk shops in exchange for money and sometimes cheap cheese curls. I collected plastic trash from a dumpsite with my cousin, I sold ice buko (frozen coconut water with milk and sugar) , sold fish in the market, became a jeepney “barker”, a pizza boy and a driver.”

Gaano man kahirap ang pinagdaanan sa buhay, ay hindi binitawan ni Jericho ang kanyang mga parangap, lalo na nga ang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

“Clearly, i did not have the ideal life situation. But I had a dream – to get myself and my family out of poverty and have our own house. That was my first major dream.”

Sa tulong rin ng kanilang matinding paniniwala sa Diyos at panalangin na sinamahan rin niya ng walang tigil na pagkatuto sa maraming bagay, ay nagawa niyang panghawakan ang kanyang mga pangarap.

“I had faith in God and I also had time. So i prayed and prayed and never stopped learning new things. I kept moving. I kept my dream infront of me.”

“Self-education, learning skills, surrounding yourself with forward thinking like-minded people and using your challenges as tools for self-improvement/development are keys to opening doors of opportunities.”

Tinapos naman ni Jericho ang kanyang mahabang post sa mga katagang puno ng inspirasyon at encouragement para sa mga taong patuloy na nangangarap.

Credits: Jerico Rosales | IG

“What we have in our hands is NOW. It holds a lot of power if you know how to use it. It can change your tomorrows. Shaping it starts the moment you tell yourself “this is my tomorrow”. We also have each other.”

“They say dreams are only dreams and wishes will remain to be wishes but not until you do something about them. So keep dreaming, keep hoping and keep moving. You are made to be something and a someone for another. I wish all of us a bright future and i’ll do my part to make that happen. Di mo kailangan ng tsinelas sa dagat ng pangarap. Naks.”

error: Content is protected !!