Connect with us

Uncategorized

Jeric Raval, May Mga Katanungan Kay Aljur Abrenica Patungkol sa Panliligaw Nito sa Kanyang Anak na si AJ Raval

Sa pag-amin ng seksing aktres na si AJ Raval sa publiko na totoong nanliligaw sa kanya ang aktor na si Aljur Abrenica, ay tila mas lalong naging mainit ang isyu na kanilang kinakaharap. Hindi nga maiwasan nina Aljur at AJ ang makatanggap ng mga negatibong komento mula sa publiko.

Credits: Aj Raval | IG

Bagama’t puro negatibong komento ang natatanggap ng dalawa mula sa publiko, ay hindi naman nila ito pinapansin. Matatandaan na ilang buwan pa lamang ang nakalipas nang maghiwalay si Aljur at dati nitong asawa na si Kylie Padilla at kanilang kasal hindi pa annulled.

Marami naman ang nag-aabang sa reaksyon ng ama ni AJ na si Jeric Raval dahil bilang isang ama ay responsibilidad niyang alamin ang kalagayan ng kanyang anak. Sa panayam ng Pep.ph kay Jeric ay ibinahagi ng action star na nagkita at nagkausap na sila ni Aljur patungkol sa panliligaw nito sa kanyang anak.

Credits: Facebook

Hindi na nga nagpaligoy-ligoy pa si Jeric at nagbigay ng tatlong katanungan kay Aljur nang sila’y magkita. Ayon kay Jeric, ay una silang nagkita ni Aljur sa PEDEA kung saan ay inihatid ng aktor ang nililigawan nitong si AJ. Hindi naman maitago sa pahayag ni Jeric ang kanyang pag-aalinlangan sa sitwasyon nina Aljur at AJ kung saan nga ay hindi nito nagawang banggitin ang pangalan ng aktor.

Credits: Facebook

“Una kaming nagkita niyan sa PDEA office dahil inihatid niya ang anak ko. Dun ko siya unang nakausap at tatlong bagay lang ang itinanong ko sa kanya.”Diretsahang mga tanong ang ibinato ni Jeric kay Aljur,“Una, nanliligaw ba siya sa anak ko? He answered me, ‘Yes po.Second, kung ‘ikaw ba ay hiwalay na? Third, ‘Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo [Robin Padilla] kung aksidenteng magkita kami?”

Hindi rin nagdalawang isip si Jeric na ipaliwanag kung bakit ito ang kanyang mga naging katanungan. Ayon nga kay Jeric ay magkaibigan sila ni Robin Padilla, kaya naman ayaw niyang mapahiya sa publiko o lumabas na ang kanyang anak na si AJ ang third party o dahilan ng pagkakasira ng anak ni Robin na si Kylie at asawa nitong si Aljur.

“Kaya ko tinanong ‘yon dahil, unang-una, alam ko na anak ni Robin ang asawa niya. “Pangalawa, magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko.”

Credits: Facebook

Nilinaw rin ni Jeric na wala naman raw siyang problema kay Aljur kung ligawan nito ang kanyang anak. Ngunit, bilang isang ama ay nais nga ni Jeric na nasa ayos ang lahat kung talagang maganda ang intensyon ng panliligaw ni Aljur kay AJ.

Credits: Facebook

“Sabi ko pa sa kanya, ‘I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.”

Isa namang aral ang iniwan ni Jeric para kay Aljur, at ayon nga sa action star, ay hindi raw magiging masaya ang isang relasyon kung may tinatapakang tao.

“Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan.”

error: Content is protected !!