Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Layuning Mapuno ang ang 25-Toneladang Truck ng mga Donasyon at Tulong, Upang Ipamahagi sa mga Taga Cagayan na Nasalanta ng Bagyo

Isa na namang magandang balita para sa mga residente ng Cagayan na nasalanta ng bagyo ang hatid ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Ito ay ang inihanda nga nilang isang 25-ton Truck na maglalaman ng mga donasyon at relief goods para sa mga ito.

Matatandaan na noong ika-12 ng Nobyembre ay isa ang probinsya ng Cagayan sa labis na nasalanta ng bagyong Ulysses, kung saan ay marami sa mga tahanan ng mga residente doon ang hindi lang basta inabot ng baha, kundi talagang lumubog na sa baha.

Kaya naman upang maibsan ang lungkot at kawalan ng pag-asa na muling makabangon, ng ating mga kababayan sa Cagayan, ay isang magandang balita ang ihahatid ng aktres na si Jennylyn Mercado para sa mga residente ng naturang probinsya.




Ayon kay Kapuso actress Jennylyn Mercado, ay nakahanda na ang kanilang tulong at donasyon para sa mga residente ng Cagayan na nasalanta ng bagyo. Kung saan ay halos nasa 1,000 balot na ng mga relief goods ang kanilang naihanda, at maliban pa nga ito sa nililikom nilang donasyon at tulong na magiging laman ng truck na ipapadala nila sa Cagayan sa susunod na linggo.

Sa naging pagbabahagi ni Jennylyn sa kanyang IG account ay ipinakita nito ang isang 25-ton Truck na paglalagyan umano nila ng mga relief goods na dadalhin sa Cagayan sa susunod na Biyernes. Nanawagan rin ang aktres sa mga nais pang tumulong at magbigay donasyon, upang bago dumating ang araw ng biyernes, ay mapuno na ang truck upang marami ang residenteng matulungan at mabigyan ng mga donasyon at relief packs.

“BESSIES, HELP US FULL THIS ULTIMATE STARTRUCK FOR CAGAYAN SURVIVORS! Calling for your help na punuin natin ng donation itong truck na ito para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan! Bukod sa mismong truck, may hinanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito, there’s room for more donations!”, ang naging saad ni Jennylyn sa post niya sa kanyang Instagram page.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Ayon pa kay Jennylyn, kahit na anong mga bagay o anumang halaga ng pera, basta’t makakatulong sa ating mga kababayan ay maaaring iabot sa kanila, sa mga nagnanais na makatulong sa mga taga Cagayan.

“Help us provide for the vulnerable and displaced families left in Tuguegarao through @litterbucks’ cookies for a cause, or by sending your monetary or in-kind donations to Littlebucks bago umalis ang team naming papuntang Cagayan next Friday . Wala pong maliit na tulong! YOUR HELP WILL GO ALONG WAY”, saad pa nga aktres.

Sa kabilang banda naman, ay makikita rin sa Instagrama account ng kasintahang aktor ni Jennylyn, na si Dennis Trillo, ang post nito, kung saan ay nanawagan sa mga nais magbigay ng donasyon para s amga taga-Cagayan, upang mapuno na ng mga relief goods nag truck na dadalhin nila sa nasabing probinsya sa susunod na liggo.

“Marami pa ring mga Cagayanos ang nangangailangan ng ating tulong matapos manalasa sa kanila ang bagyong Ulysses. Hayaan niyong maging daan kami para madala ito sa kanila, sa pamamagitan ng truck na ito.”

“Magkaisa tayo na ipadama na nag-uumapaw at punong-punong pagmamahal natin sa kanila sa pamamagitan ng pag-donate at pagpuno ng truck na ito ng kinakailangan nilang pagkain o supplies”, ang naging saad nga ng aktor.

Dagdag pa ng aktor sa kanyang post, na kung mas maagap na maihahatid sa kanila ang mga donasyon ng mga nais tumulong sa mga taga Cagayan, ay mas mapapabilis ang magiging paglarga ng truck patungong Cagayan, upang maipamahagi na sa mga taga roon ang lahat ng nalikom na tulong at donasyon.

Photo credits: Dennis Trillo | Instagram




Photo credits: Dennis Trillo | Instagram

Kaya naman sa mga nais tumulong at magbigay donasyon, ay ipaabot niyo na ito sa StarTruck nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na inaasahang magtutungo na sa Cagayan sa susunod na libggo, upang ang inyong tulong ay makarating na sa mga kababayan nating Cagayanos, na nasalanta ng bagyo.