Connect with us

Entertainment

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Ipinakilala na sa Wakas ang Kanilang Anak na si Baby D sa Isang Vlog

Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon nang ikasal ang Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo matapos ang ilang taon na pagiging magkasintahan. Bagamat mayroon nang mga anak ang mag-asawa sa kanilang dating partners, masaya rin nilang inanunsyo ang pagbubuntis ni Jennylyn kasabay ng naging opisyal na engagement announcement na ito.

Matapos nito, ibinahagi naman nila ang konstruksyon ng kanilang magiging tahanan kasama ang kani-kanilang mga anak at ang magiging pamilya na kanilang bubuuin sa hinaharap.

Mula noon, naging bukas rin ang mag-asawa sa kanilang pregnancy journey. Kasama sa kanilang YouTube vlogs ang kanilang mga naging pagsubok gayundin ang kanilang mga kasiyahan gaya ng ginanap na maternity shoot para kay Jennylyn.

Sa isang nursery tour, ipinakita rin nila ang mga naging paghahanda sa pagdating ng kanilang anak.

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Dagdag pa rito, ibinahagi rin nila ang naging gender reveal ng kanilang magiging anak. Ayon sa mag-asawa, talagang hinihiling nila na magkaroon ng babaeng anak dahil mga lalaki na ang kanilang naging anak sa kanilang dating partners.

Dahil dito, makikita ang kasiyahan ng mag-asawa nang malaman nilang magkakaroon sila ng isang baby girl. Nakakatuwa ring makita na talagang magkasama ang dalawa upang alagaan ang isa’t isa. Mapapansin din ang suporta na ibinibigay ng kanilang pamilya lalong lalo na ang kanilang mga anak.

Sa latest YouTube vlog ng mag-asawa, ibinahagi nila ang kanilang naging karanasan nang manganak ang aktres. Ayon sa vlog na ito, hindi inaasahan ng mag-asawa na magiging mas maaga ang araw ng panganganak ni Jennylyn kaya naman magkahalong kaba at excitement ang naranasan ng mag-asawa. Sa kabila nito, makikita pa rin ang kanilang kasiyahan dahil sa maayos at matagumpay na panganganak ni Jennylyn.

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Masaya rin sila sa kanilang malusog na anak na tinatawag nilang Baby D. Bagamat madalas na nagbabahagi ang mag-asawa ng ilang litrato ng kanilang pamilya, mapapansin na iniiwasan nilang ipakita sa publiko ang mukha ng kanilang anak ngunit sa parehong vlog ay ipinakita na rin nila sa wakas ang kanilang napakagandang baby girl.

Dahil dito, hindi mapigilan ng mga tagasuporta ng mag-asawa na matuwa nang ipakita nila ang mukha ni Baby D. Ayon nga sa ilang netizens, talagang napakaganda raw nito. Nasasabik rin ang ilan na makita ang kaniyang paglaki.

error: Content is protected !!