Connect with us

Entertainment

Jelai Andres, Namahagi ng Pera Bilang Gantimpala Sa Mga Good Samaritan Sa Kalye

Gaano man kahirap ang sitwasyon na kinakaharap marami, ay may mga natitira paring mga tao na may ginintuang puso at tapat sa kanilang kapwa. At pinatunayan nga ng aktres at sikat na vlogger na si Jelai Andres, na kahit anong hirap ng buhay, basta’t taglay ang mabuting puso ng isang tao ay magiging tapat ito para isauli ang isang bagay na hindi nito pagmamay-ari.

At upang hanapin at bigyang gantimpala ang mga taong may mabubuting puso, ay isang challenge ang ginawa ni Jelai na kanyang ibinahagi sa kanyang latest vlog. Ito ang “Laglag Pera Challenge” kung saan ang taong magsasauli ng perang kanyang malalaglag sa kalye habang naglalakad ay kanyang bibigyan ng gantimpala na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa.

Para maisakatuparan ang kanyang plano ay nag-disguise si Jelai para hindi makilala ng publiko. Nagkunwaring isang ordinaryong babae sa kalye si Jelai suot ang kanyang wig na pinaresahan ng kanyang daster at may dala-dala pang bag at payong.

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Naghanap muna si Jelai ng taong sa tingin niya’y karapat-dapat na tumanggap ng kanyang gantimpala at magsasauli ng perang kanyang mahuhulog. Sinimulan na nga ni Jelai ang kanyang pagkukunwaring malaglagan ng perang nagkakahalaga ng P500 at P1000 habang nasa daan.

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Una pa lang nga, ay hindi nabigo si Jelai dahil ang nakapulot ng kanyang pera ay isinauli ito sa kanya. Kaya naman, hindi mapigilan ni Jelai ang kanyang emosyon at naiyak na lamang nga nang makitang naluluha ang taong binigyan niya ng gantimpala. Halos hindi makapaniwala at talagang labis ang pasasalamat ng taong nagsauli ng pera kay Jelai.

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Marami ang natulungan ni Jelai sa kanyang ginawa dahil para nga sa mga taong nakapulot ng pera ng aktres, ang P10,000 ay napakalaking halaga na. Karamihan sa mga nabiyayaan at nabigyan ng gantimpala ay gagamitin ang pera para pambayad sa kanilang mga bayarin.

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Photo credits: Jelai Andres | Youtube

Samantala, naubos ni Jelai ang kanyang dala-dalang pera sa kanyang bag. At ito nga ay dahil, lahat ng mga taong nakapulot ng kanyang pera ay naging tapat para ibalik ang pera na hindi nila pagmamay-ari. Dahil nga dito, ay wala ring pagsidlan ang kasiyahan ni Jelai. Natutuwa nga si Jelai dahil marami parin sa mundong ating ginagalawan ang may mabubuting puso at tapat sa kanilang kapwa.

Masaya rin si Jelia dahil kahit sa simpleng paraan ay nakatulong siya sa mga taong nangangailangan. Ayon naman sa aktres, ay paraan na rin niya ito upang ibahagi sa iba ang kanyang mga natatanggap na blessings.

Sa kabutihang ginawa ni Jelai ay talagang maraming netizens ang napahanga kaya naman hindi na nakapagtataka kung agad nag-viral ang nasabing vlog ng aktres. Umani ng paghanga at positibong komento mula sa mga netizens ang ginawamg kabutihan ni Jelai sa mga good samaritan sa kalye.

error: Content is protected !!