Connect with us

Uncategorized

“Jeje Days” Silipin ang mga Throwback Pictures ni Liza Soberano Noong Kabataan niya

Hindi natin maikakaila na sa buhay natin ay dumaan rin tayo tinatawag na “jeje moments” o ang mga sandaling dumaan tayo sa puberty. Ang ilan sa atin ay ayaw nang balikan pa ang kanilang naging anyo noon, may ilan naman na proud sa kanilang naging hitsura.

Ang ilan naman ay nais nang ibaon sa limot ang kanilang “jeje moments”, ngunit dahil sa makabagong teknolohiya, ay talagang hindi na ito maitago at mapapa-throwback ka na lang. At sa halip nga na itago ay yugto ng buhay na ito, ay masaya na lamang itong ibabahagi na nagdala ng magandang karanasan sa atin.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Katulad na lamang nga ng aktres na si Liza Soberano na hindi ikinakahiya ang kanyang “jeje noments”, at proud pa niyang ibinabahagi ang masayang yugto ng buhay niyang ito.

 

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Kamakailan lamang, nang makapanayam ang aktres sa programang Magandang Buhay, at nahalungkat ang kanyang mga throwback photos noong “jeje days” niya. Makikita na tila nasa high school si Liza ng mga sandaling iyon. Sa una nga ay hindi maitago sa mukha ni Liza ang pagkagulat at tila ayaw tingnan ang larawan lalo pa’t ang kanyang hairstyle ay may bangs. Ngunit, sa huli naman, ay nagawa na ng aktres na pagmasdan ang kanyang sarili noong kabataan niya.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Sa mga larawan makikita sa hairstyle ni Liza, na siya’y nakabangs. Usong-uso kasi noon lalo na sa mga kababaihan ang naka-bangs. Kaya naman, hindi rin nagpahuli sa uso si Liza, ay nakisabay rin sa hairstyle na patok sa mga kabataan noon.

Photo credits: google.com

May larawan rin kung saan makikitang naka-pout si Liza kasama ang kanyang kaibigan. May larawan ring kuha si Liza habang naka-peace sign at masayang nakangiti sa harap ng camera.

Photo credits: google.com

Isang larawan rin ang ipinakita kung saan ay kuha naman sa welding class ni Liza. Pagbabahagi naman ng aktres, ay binigyan umano sila ng pagsusulit ng kanilang guro na kapag inihagis ang gawa nila, ay hindi ito masisira. At ang gawa umano ni Liza ay hindi nasira kung kaya’t nakakuha siya ng mataas na marka.

Photo credits: google.com

Samantala, hindi maikakaila na noon pa man ay taglay na ni Liza ang natural na kagandahan. Isa ngang larawan ang nagpatunay nito, kung saan kuha sa Ms. Intramurals Pageant noon na siya ang naging representative para sa kanilang year .

Photo credits: google.com

Sa nasabing patimpalak ay ibinunyag ng aktres na napilitan lamang siyang sumali dahil mahiyain umano siya at pinilit lamang siya ng kanilang adviser. At hindi niya inaasahan na siya pala ang tatanghaling panalo sa nasabing pageant.

Kita naman sa mga larawan na ito si Liza habang hawak hawang isang rosas at naka suot ng itim na dress na talagang kitang kita ang kanyang kagandahan.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Tunay nga na mula noon hanggang ngayon ay taglay na ni Liza ang natural na kagandahan na hinahangaan ng lahat.

error: Content is protected !!