Connect with us

Entertainment

JC Santos, Ipinakita ang Pagiging Hands On Daddy sa kanyang Napakacute na Anak na si Baby River

Published

on

Ang Father’s day ay espesyal na araw upang bigyang pugay ang kasipagan at pagmamahal ng mga haligi ng tahanan na siyang nagbibigay tibay sa pundasyon ng kanilang pamilya. Ito rin ang araw upang pasalamatan ang kanilang pagsusumikap na maitaguyod at magkaroon ng maayos na buhay ang pamilya. At ngayong taon nga, ay ipinagdiwang ang Father’s day noong June 21, kung saan maraming ama ng tahanan ang nabigyang kaligayahan ng kanilang mga anak at mga mahal sa buhay.



Isa nga sa mga kahanga-hangang haligi ng tahanan ang aktor na si JC Santos, na hindi lamang maaasahan sa mga pangangailangan ng pamilya, kundi pa rin na rin sa pag-aalaga ng anak.

Ipinamalas nga ni JC ang pagiging isang mabuting ama sa napakacute na anak nila ng kanyang asawang si Shyleena Herrera na si Baby River Aletheia. Maaasahan at talagang responsableng ama si JC na kung saan ay napaka-hands on kay Baby River.

Madalas ngang ibahagi ng aktor sa kanyang Instagram ang kanyang pagiging hands on Dad na siya naman niyang ini-enjoy habang kasama ang anak.

Ilan nga sa nagagawang gampanan ni JC sa kanyang anak ay ang pagbabantay dito habang ito’y mahimbing na natutulog. Maging ang pagpapaaraw kay Baby River tuwing umaga sa kanilang terrace ay matiyaga ring ginagawa ng aktor dahil ang bitamina mula sa araw ay mahalaga sa kalusugan ng sanggol.

Siyempre, hindi rin mawawala ang bonding moments nilang mag-ama habang kinakarga at nilalaro ang anak. Sa bawat karga nga at matamis na ngiti ni Baby River ay tila napapawi naman ang lahat ng pagod at puyat ng aktor sa pag-aalaga sa anak.

Biro naman ng aktor sa isa niyang post, kapag umano nagbukas na ang mga mall ay agad niya itong bibilhan ng baby dress dahil kahit pa napakacute at maputi naman si Baby River ay napapagkamalan pa rin itong Baby Boy.



Bagama’t first time dad, hindi naman ito naging hadlang kay JC upang ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak na si Baby River. Ang pagdating nga ni Baby River ay biyayang maituturing at ito nga ang bumuo sa kanyang pagkatao bilang isang ama. At si Baby River rin ang nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya na punong-puno ng pagmamahal. Tiyak na masayang-masaya ang pagdiriwang ng Father’s Day ni JC sa unang pagkakataon sa piling ni Baby River.

Dahil nga sa kahanga-hangang pagmamahal at dedikasyon ni JC sa kanyang pamilya ay hinangaan ito ng mga netizens na talaga namang napapa-sana all na lang. At ang ilan pa nga ay humihirit naman ng “Pahingi naman ng JC Santos”.

error: Content is protected !!