Connect with us

Entertainment

Jason Abalos, Plano na at Handa ng Bumuo ng Pamilya Katuwang ang Kasintahan Niyang si Vickie Rushton

Hindi naging hadlang sa magkasintahang Jason Abalos at Vickie Rushton na patatagin ang kanilang relasyon sa kabila ng pagiging abala nilang dalawa sa kani-kanilang karera. Matatandaan na ang dalawa ay unang nagkakilala sa Bacolod noon ngang taong 2010, hanggang sa lumipas ang mga taon ay naging usap-usapan na ang patungkol sa non-showbiz girlfriend ng aktor.

Credit: Jason Abalos | Instagram

Nagsimula namang mabunyag sa publiko ang katauhan ng non-showbiz girlfriend ni Jason Abalos na Vickie Rushton ng ito ay maging isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother: All-In.
Dahil sa naging pagpasok ni Vickie sa PBB ay nagsimula siyang makilala sa industriya ng showbusiness. Ngunit maliban pa nga sa pagiging kilala niya ngayon sa pagiging isang artista, ay kilala rin siya sa mundo ng pageantry.

Credit: Jason Abalos | Instagram

Sa ibang lumabas na ulat, ay noon pa umanong nakaraang taong 2020 ay nakatakda na dapat ang kasal ng magkasintahan, ngunit napagdesisyunan nila na ito’y ipagpaliban muna upang makapagpokus si Vickie sa kanyang karera sa pageant world. At bilang kasintahan nga, ay ‘full support’ si Jason sa pangarap ng kanyang girlfriend.

Kamakailan nga lamang ay naganap naman ang isang press conference ng VIVA films para sa bagong proyekto ngayon ni Jason na “Silab”, at dito nga naibahagi niya, na hinihintay na lamang niya na matapos ang pagsali ng girlfriend niyang si Vickie sa mga beauty pageants, upang mas mabigyan naman nila ng pokus ang relasyon nila at tuluyan na nga silang makapag-settle down dalawa.

Credit: Jason Abalos | Instagram

Ayon nga kay Jason, tila napapanahon na para pagtuunan naman nila ni Vickie ang kanilang relasyon at ang plano nga nilang bumuo na ng sarili nilang pamilya.

“Matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant, so tingin ko iyon na ‘yun… Talagang sabi ko na, tama na ‘iyan. Di ka na pwede. Tayo naman”, ang naging saad ng aktor.

Dagdag pa ni Jason, noon pa man ay suportado at nirerespeto na niya ang passion ni Vickie sa pagiging isa nitong beauty queen, ngunit ngayon ay tila panahon na nga upang huminto na ito, dahil napapanahon na nga para ang pagbuo naman ng sarili nilang pamilya ang mapagtuunan nila ng pansin.

Credit: Jason Abalos | Instagram

“Talagang hinahayaan ko siyang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. So ngayon, siguro panahon na para bumuo ng pamilya.”

Tila naman nakaplano na nga ang pagbuo ng pamilya nina Vickie at Jason, dahil noon lamang ika-11 ng Hunyo taon ng kasalukuyan ay inanunsyo na ni Vickie Rushton sa kanyang Instagram ang pagreretiro niya sa pagsabak sa mga beauty pageants.

error: Content is protected !!