Connect with us

Entertainment

Jason Abalos, Ipinasilip Ang Kanyang Simpleng Birthday Celebration; Ipinasilip Rin Ang Lugar Kung Saan Itatayo Ang Kanilang Farm House Ni Vickie

Ang aktor na si Jason Abalos ay nagdiwang ng kanyang ika-37 taong kaarawan nito lamang ika-14 ng Enero. Ito nga ay isang mahalagang selebrasyon na dapat ipagpasalamat. Kaya naman, hindi pinalampas ni Jason ang pagkakataon ng magkaroon ng isang simple at masayang selebrasyon kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Photo credits to the owner

Tila nga nag-uumapaw ang biyaya sa buhay ng aktor, dahil bukod sa kanyang matagumpay na karera ay masayang-masaya rin siya sa piling ng kanyang girlfriend na si Vickie Rushton. At sa pagdiriwang ng kanyang 37th birthday ay nakasama niya ang napakagandang beauty queen pati na rin ang kanyang pamilya.

Photo credits to the owner

Base naman sa video na ibinahagi ni Jason sa kanyang YouTube channel, ay makikitang sa kanilang farm sa Nueva Ecija niya ipinagdiwang ang kanyang birthday. Simple man nga ang naging selebrasyon ay masaya naman siyang nakasama niya ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Sa caption naman ng video, ay sinabi ni Jason na hindi sila nagkasama ng kanyang pamilya sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon, kung kaya’t pinag-isa na lamang nila ang selebrasyon sa pagdiriwang ng kanyang birthday.

Photo credits to the owner

“Hindi kami nagkita-kita nong pasko at bagong taon, kaya pinag-isa na lang namin ang celebration kasabay ng birthday ko. Niregaluhan ako ni Mama ng isa niyang alaga, binigyan ako ng cake ng Artist center at nagpa-ice cream ang aking Baba”.

Samantala, sa nasabing video, maliban sa birthday celebration ni Jason, ay ipinasilip rin niya ang lugar kung saan itatayo ang farm house na magiging tahanan ng pamilya nila ng kanyang kasintahang si Vickie. Pinuntahan nga nina Jason at Vickie ang lugar na pagtatayuan ng kanilang farm house. Makikita nga na napakalawak nito, at may kahanga-hangang tanawin na hatid ng kabundukan.

Photo credits to the owner

Dahil nga nasa itaas na bahagi ng bundok, ay kitang-kita nga ang ganda ng mga luntiang kulay ng puno pati na rin ang bughaw na kalangitan. Ayon nga kay Jason, ay napakasarap pagmasdan ng kapaligiran, lalo na ang sunset at sunrise sa kanilang bahay kapag naitayo na ito.

Photo credits to the owner

Hindi naman maikakaila na gustong-gusto rin ni Vickie ang manirahan sa probinsya. Makikita nga sa video na habang nasa tree house ang beauty queen ay enjoy na enjoy ito. Napaka-relaxing naman talaga sa lugar lalo na nga’t sariwa ang hangin at tahimik ang lugar. Sa nasabing farm naman, ay may mga alaga ng hayop ang pamilya ni Jason at may iba’t ibang klase na rin ng pananim.

Photo credits to the owner

Tila handa na talagang lumagay sa tahimik ang magkasintahang Jason at Vickie at bumuo ng sarili nilang pamilya, dahil ang pangarap nilang farm house ay malapit nang itayo. Tiyak na mag-eenjoy rin ang magkasintahan sa simpleng buhay sa probinsya, na bukod sa tahimik ay napakaganda rin ng tanawing masisilayan nila araw-araw.

error: Content is protected !!