Connect with us

Lifestyle

Janine Gutierrez Enjoy na Enjoy sa Kanyang Naging Bakasyon sa Napakagandang Isla ng El Nido, Palawan

Patapos na ang tag-init at parating na ang tag-ulan ngunit para kay Janine Guterrez ay hindi pa tapos umawra sa ilalim ng sikat ng araw. Nitong mga nakaraang araw, pinainit ni Janine ang social media matapos itong magpost sakanyang instagram account ng kanyang mga seksi photos habang nagbabakasyon sa El Nido Palawan.

Makikita sa mga larawan na ipinost ni Janine na enjoy enjoy siyang nagbabakasyon sa napakagandang isla ng El Nido Palawan, suot ang kanyang ibat-ibang swim suit, pinakita ni Janine ang kanyang kaseksihan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Isa sa mga ipinost ni Janine na humakot ng halos 81k likes sa instagram ay kanyang larawan suot ang itim na bikini swimsuit habang ibinabandera ang kanyang napaka gandang figure.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Sa isang post naman ni Janine naglagay naman siya ng mga katagang, “If I was a bluebird, I would fly to you” kalakip ang kanyang larawan na nakasuot ng isang white swimsuit at ang larawan ng makapagpigil hinangang ganda ng dagat sa El Nido Palawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Huling napanood si Janine sa telibisyon sa programang Marry Me, Marry You ng Abs-Cbn kung saan naging co-starred niya ang rumored boyfriend nito na si Paulo Avelino.

Mayroong mga paparating na proyekto si Janine at isa nga sa kanyang paparating na romance film kung saan inaasahang magrereunite sila dito ng kanyang rumored boyfriend na si Paulo Avelino ay ang romance film na Ngayon Kaya, kung saan lalabas sa mga sinehan sa June 22 ngayong taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Si Janine ay panganay sa apat na magkakapatid at kilala na galing sa pamilya ng mga artista. Kilala ang kanyang mga magulang na mga beteranong aktor at aktres ito ay sina Ramon Christopher Gutierrez at Lotlot De Leon na pawang mga beteranong aktor at aktres. Minana naman ni Janine ang husay ng kanyang mga magulang sa pag-arte kaya naman naging matunog na din ang kanyang pangalan sa showbiz at naging sunod sunod ang kanyang mga malalaking proyekto.

error: Content is protected !!