Connect with us

Entertainment

Janice De Belen, Masayang Ibinahagi ang Kaniyang Dream Family Home

Alam ng lahat na hindi madali ang pagpapatayo ng isang tahanan. Bukod sa pagpaplano nito, kinakailangan din ng napakalaking halaga upang maisakatuparan ang mga plano para dito. Lalong pinag-iigihan ang pagpaplano at mas malaking halaga pa ang kailangan kung nais ng isang tao na magkaroon ng napakalaking mansyon.

Maging ang mga kilalang artista sa showbiz ay kailangang maghintay rin nang matagal sa mahabang proseso ng pagpapagawa ng kanilang dream house habang ang iba naman ay gaya rin ng ordinaryong tao na kailangang kumayod nang husto upang makapag-ipon. Sa kadahilanang ito, madalas ay nakikita natin na ipinagmamalaking ibinabahagi ng mga personalidad na ito ang kanilang pinaghirapang tahanan.

Gaya ng ilang artista, masaya ring nagkaroon ng house tour ang aktres na si Janice De Belen kung saan makikita ng mga netizens ang kaniyang dream house. Kapansin-pansin na napakalaki at napakalawak ng mansyon na ito. Ayon kay Janice, nais niyang sama-samang manirahan ang kaniyang mga anak at apo kaya naman kinakailangan na komportable rin ang espasyo ng bawat isa. At dahil nga kasama ni Janice ang ilan sa kaniyang mga apo, nagkaroon din ng balanse ng pagiging child-friendly at elegante ang kaniyang bahay.

Pagpasok pa lamang sa mansyon ay masasabing napakagrandiyoso na ng bahay dahil sa napakalaking pinto nito na gawa sa kahoy.

Photo credits: realliving.ph

Mahusay rin ang pagpili ni Janice ng kaniyang magiging bintana. Dahil nga halos mapuno ng glass windows ang kaniyang tahanan, napakaliwanag at maaliwalas ito buong araw. Makikita rin sa bawat sulok ng bahay ang mga kakaibang artworks at disenyo.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Mula sa living area ng kaniyang mansyon, mapupuntahan ang napakalawak na kusina ni Janice. Kapansin-pansin dito ang napakaraming kagamitan. Talagang masasabi na siniguro ni Janice na magiging komportable ang sinumang gagamit nito lalo na at kinahihiligan din niya ang pagluluto.

Photo credits: realliving.ph

Kakaiba rin ang tahanang ito ni Janice sapagkat makikita ang isang mini garden na mayroong dining space sa ikalawang palapag ng bahay na ito. Ayon kay Janice, dito nila dinaraos ang ilang mahahalagang okasyon ng pamilya.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Sa parehong palapag rin makikita ang mga silid ng kaniyang mga anak at apo. Iba’t iba ang tema at disenyo ng mga ito base na rin sa paboritong kulay ng bawat miyembro ng pamilya.

Photo credits: realliving.ph

Dahil sa disenyo at dekorasyon ng tahanang ito, talagang nagkaroon ito ng balanse ng pagiging elegante at child-friendly.

error: Content is protected !!