Connect with us

Entertainment

Janella Salvador, Ibinahagi ang Kanyang Weight Loss Journey at Inamin na Sumailalim sa Liposuction

Ang aktres na si Janella Salvador ay isa nang ganap na ina ngayon sa kanyang napakacute na baby boy na si Baby Jude. At sa pagdating ni Baby Jude sa kanyang buhay, ay kakaibang kaligayahan ang nadama ng aktres kung saan nga ay mas lalong nagkaroon ng saya at kahulugan.

Credits: Janella Salvador | IG

Kasabay naman nang pagkakaroon ni Janella ng anak, ay ang pagbabago rin ng kanyang katawan. At ito nga ay normal lamang para sa mga bagong panganak, ngunit gaya ng ibang celebrity mom, ay nais rin niyang maibalik sa dati ang kanyang magandang hubog ng katawan. Kaya naman, kamakailan lamang ay ibinahagi ni Janella ang kanyang weight loss journey sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Credits: Janella Salvador | IG

Sa nasabing IG post ay ibinahagi ni Janella ang kanyang recent photo, at larawan na kuha noong ipinanganak niya si Baby Jude. Ayon nga kay Janella noong ipinagbubuntis niya si Baby Jude, ay nangako siya sa kanyang sarili na hindi na makakalimutang alagaan ng mabuti ang kanyang sarili. Ngunit, ang bagay na ito ay madaling sabihin pero mahirap gawin. Bilang isang ina ang buong oras ni Janella ay umiikot lamang sa pag-aalaga kay Baby Jude. Sa kabila nito, ay masaya at naeenjoy naman ni Janella ang bawat sandali na kasama ang kanyang anak.

“I lost all the remaining ‘vanity’ that I had in me the moment Jude came into my life. My life revolved around him. Even just a trip to the grocery made me feel guilty because I felt like I could be spending time with him instead. I felt like I had to be with him 24/7. I’m not gonna lie, I enjoyed every moment and I still do.”

Credits: Janella Salvador | IG

Ayon pa sa aktres, sa unang buwan ng kanyang pagiging isang ina, ay itinatago niya sa likod ng maluwang na damit ang paglaki ng kanyang timbang na hindi naman dapat para sa kanyang katawan. Dahil nga nito, ay kinakailangan ni Janella na pagtuunan ito ng pansin upang maibalik sa dati ang kanyang katawan sa pamamagitan ng pagwowork out.

“Of course, gaining weight is totally normal after giving birth…But there comes a time where you want to be healthy and regain your strength. My goal has always been to be strong enough to take care of the household so I did not want to resort to unhealthy crash diets. Working in a physical industry that relies so much on looks didn’t help with the pressure either. I knew that eventually, I needed to start working again.”

Credits: Janella Salvador | IG

Maliban naman sa matinding ehersisyo na ginawa ni Janella para pumayat, ay ibinunyag naman ng aktres na sumailalim siya sa liposuction. At ayon naman sa kanya, bagama’t noong una ay natakot siyang gawin ito, ay ito naman ang pinakamagandang desisyon na kanyang ginawa dahil muling nanumbalik ang kanyang kumpiyansa sa kanyang sarili.

Sa huli ay nag-iwan naman si Janella ng mensaheng puno ng inspirasyon at encouraging words para sa mga nanay na tulad niya.

Credits: Janella Salvador | IG

“To all the mamas out there, enjoy every part of your journey and don’t pressure yourself. At the end of the day, what matters most is the health and happiness of your baby. But don’t forget to take steps towards your own happiness.”

error: Content is protected !!