Connect with us

Entertainment

Janella Salvador, Balik Telebisyon Na, Gaganap Na Kontrabida Sa Darna TV Series Bilang Si Valentina

Marami na nga ang nakaabang sa pag-ere sa telebisyon ng Darna TV series, kung saan ay talagang hindi lamang mga kapana-panabik na mga eksena ang dapat abangan kundi pati na rin ang mga cast nito.

Matapos ngang isapubliko ang tuluyang pagganap bilang bida at karakter bilang Darna ng aktres na si Jane De Leon, ay napag-ukulan rin ng pansin ang paghahanap sa gaganap ng karakter ng mahigpit na kalaban ni Darna na si Valentina.

Nito lamang ngang ika-19 ng Nobyembre sa wakas nga ay tuluyan na ring nahanap ang karapat-dapat na gaganap sa iconic kontrabida role ni Valentina at ito nga ay walang iba kundi ang aktres na si Janella Salvador.

Sa post ng ABS-CBN ngayong araw ay isinapubliko na nga na nahanap na nila ang gaganap bilang Valentina.

“NAHANAP NA ANG KATAPAT NI DARNA. Muling mapapanood sa telebisyon si Janella Salvador sa kaniyang pagganap bilang Valentina sa “Darna: The TV Series.”

Makikita naman sa naganap na presscon na magkasama si Jane De Leon, na siyang gaganap bilang bidang Darna at Janella Salvador na bilang kontrabidang Valentina. Tila naman matinding paghahanda ang ginawa ng dalawang aktres para sa nalalapit nilang pagtutunggali sa teleserye, dahil pawang magaganda at napakaseksi ng kanilang awra ngayon.

Samantala, bago naman isapubliko ng ABS-CBN ang gaganap ng karakter ni Valentina, ay marami ring naging hula ang netizens na sa tingin nila’y bagay at karapat-dapat sa kontrabida role. Ngunit, nauna namang lumutang ang pangalan ng mga aktres na sina Yassi Pressman, Ariella Arida, Jackie Rice at AJ Raval na nag-audition daw para sa nasabing iconic role.

Hindi naman nagpahuli ang hula ng netizens dahil pawang magaganda at seksing aktres sa industriya ng showbiz ang kanilang napipisil na pangalan para gumanap na Valentina. Ilan sa mga ito ay sina Ivana Alawi, Janine Gutierrez, Anne Curtis, Julia Barretto, at Janella Salvador. Ngunit, sa mga nabanggit ay pangalan ni Janella ang nangibabaw sa lahat. At tila nga alam na alam na ng netizens na talagang bagay na bagay kay Janella ang karakter bilang kontrabida, dahil hindi naman nagkamali ang kanilang hula.

Ito naman ang first kontrabida role ni Janella sa teleserye at sa first major project sa muli niyang pagbabalik telebisyon matapos niyang magsilang sa panganay na anak nila ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson noong Oktubre 2020.

Matatandaan na huli siyang nasilayan sa telebisyon sa kanyang pagganap sa teleseryeng “The Killer Bride” na huling umere noong January 2020. At matapos nga ang halos dalawang taong pamamahinga sa showbiz, ay handang-handa na ngang muling ipamalas ni Janella ang kanyang husay sa pag-arte bilang bagong Valentina sa Darna TV series.

error: Content is protected !!