Connect with us

Entertainment

Jane Oineza, Ibinahagi Ang Storya Sa Likod Ng Couple Tattoo Nila Ng Kanyang Boyfriend Na Si RK Bagatsing: “It’s small but meaningful”

Isang maliit ngunit puno ng kahulugang tattoo ang ipinalagay ng magkasintahang Jane Oineza at RK Bagatsing.

Magmula nang ihayag ni Jane Oineza sa kanyang mga tagahanga sa social media ang kanyang relasyon sa aktor na si RK Bagatsing noong nakaraang May 2021, ay tila nga wala ng pagsidlan ang nag-uumapaw na kaligayahan ng aktres. Nagkasama sina Jane at RK sa pelikulang “Us Again” noong 2020 kung saan nga ay sila ang magkatambalan sa nasabing pelikula.

Photo credits to the owner

Tila naman talagang sigurado na sila sa kanilang nararamdaman sa isa’t isa matapos nilang magpalagay ng tattoo na may mahalagang simbolo para sa kanilang dalawa. Noong nakaraang Christmas sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Jane ang larawan ng kanilang tatto. At kamakailan lamang sa mediacon pelikulang “Click, Like, Share” ay ibinunyag na ng aktres ang storya sa likod ng kanilang tattoo na bagama’t maliit ay napakalaking ibig sabihin sa kanilang relasyon.

Photo credits to the owner

Kwento nga ng aktres, ay biglaan ang pagpapalagay nila ng tattoo ni RK. At ang naisip nga nila ay isang simpleng tattoo na smiley face. Ngunit, hindi naman mabubuo ang smiley face kung hindi sila magkasama. Kapag magkasama naman ay doon nga masisilayan ang smiley face kapag pinagdikit ang kanilang pinky finger.

Photo credits to the owner

Napakacute nga nitong pagmasdan lalo na nga’t aakalain na isang maliit na guhit lamang. Ngunit, kapag sila nga ay magkasama ay isa pala isang smiley face.

“Napakabiglaan but we had it done. Hindi kumpleto yung smiley pag wala siya. Nasa kanya yung smile so pag magkasama kami it’s a smiley face. Wala lang. Napaka-small but meaningful. And I’m happy it’s cute,”pahayag ni Jane.

Samantala, sa nasabing panayam ay nagkwento rin si Jane tungkol sa gaganapan niyang bagong pelikula na “Click, Like, Share” kung saan makakapareha niya ang aktor na si Elmo Magalona. Bagama’t, dati nang nakatrabaho ni Jane si Elmo sa pelikulang Bloody Crayons ay inamin ng aktres na medyo challenging ang role na kanyang gagampanan dahil mas mature umano ito ngayon.

Photo credits to the owner

“Ako dito si Mariel and Jerome (Elmo) is my longtime boyfriend and they have this small business together for events where my character is a photographer. And then may turn of events and magkakaroon ng opportunity si Jerome and parang siya naman yung mas magiging busy sa work kesa dati na ako yung sinasamahan niya sa parang business nga namin. It’s about career and sacrifices.”

Photo credits to the owner

Kamakailan rin lamang nang ibahagi ni Jane sa kanyang Instagran account ang kanilang pakikipaglaban ni RK sa Covid matapos magpositibo. At noong ika-12 ng Enero nga, ay masayang-masaya ang aktres dahil nalampasan nila ito at nag-negatibo na ang resulta ng kanilang test.

error: Content is protected !!