Connect with us

Entertainment

Jane De Leon, Ipinasilip ang Kanyang Fairytale-inspired Birthday Party sa Pagdiriwang ng Kanyang ika-22 Taong Kaarawan

Kamakailan lamang nang mapahanga ang publiko sa nakakabighaning kagandahan ng aktres na si Jane de Leon sa kanyang birthday photoshoot para sa kanyang ika-22 taong kaarawan, ngayon naman ay isang intimate dinner ang inihanda ng aktres para sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Tila nga naging isang ‘real-life princess’ si Jane, sa ganda ng disenyo ng venue ng pagdaraosan ng dinner na kung saan ay may fairytale inspired theme.




Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ng aktres ang kuha ng mga larawan sa kanyang simple ngunit napakaeleganteng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Sa caption ng aktres ay pinasalamatan niya ang magandang kinalabasan ng salo-salo para sa kanyang kaarawan.

“Living in a fairytale. Thankful for this wonderful intimate birthday dinner.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Sa mga larawang kuha ng Nice Print Photography, makikita na tila isang dyosa ng kagandahan ang aktres na si Jane habang suot ang isang kulay puting bestida. At tulad ng nasa fairytale, ay masisilayan rin ang mga makukulay na bulaklak na ginawang disenyo sa lugar. Sa mahabang lamesa naman ay nakahanda na ang mga kasangkapan para sa kanilang salo-salo na mas lalong pinaganda ng mga bulaklak na naging disenyo sa lamesa.

Photo credits: Jane De Leon | Instagram

Samantala, ang kanyang initimate birthday dinner ay dinaluhan ng kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz tulad na lamang nina Julia Barretto, model na si Janica Nam, at fashion stylist na si Cath Sobrevega.

Noong nakaraang linggo lamang nang magkaroon ng photoshoot si Jane para sa kanyang kaarawan kung saan nasilayan ang kanyang nakakabighaning kagandahan. Ang kanyang napakagandang photoshoot ay isinakatuparan ng mahusay na photographer na si Gee Plamenco Jr. Noong ika-22 ng Nobyembre, ay ganap nang 22 taong gulang ang aktres.

Photo credits: Jane De Leon | Instagram




Dahil sadyang taglay ni Jane ang napakagandang mukha, at husay sa pag-arte, siya ang napiling gumanap sa Pinoy super hero na Darna sa Star Cinema movie adaptation. Ngunit dahil sa pandemya ay hindi ito natuloy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Unang nakilala at nasilayan ang kagandahan ni Jane sa noon time show na It’s Showtime sa ABS-CBN, kung saan ay naging miyembro siya ng girl group na GirlTrendz. Magmula nga noon ay hindi lamang taglay na kagandahan ang ipinamalas ni Jane, kundi maging ang kanyang talento. At higit siyang nakilala ng publiko ng mapabilang sa cast ng teleseryeng Halik noong 2018.

error: Content is protected !!