Connect with us

Inspiring

Jane De Leon, Ikinuwento ang Pinagdaanang Hirap ng Buhay ng Kanyang Pamilya Bago Siya Naging DARNA, Ipinasilip din ang Kanilang Napakagandang Tahanan

Isa sa mga pinaka-inaabangang serye ngayon sa sa primetime ng Kapamilya network ay ang ‘DARNA’ ni Mars Ravelos, na pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Jane De Leon. Ito ang pinakamalaking ‘break’ ni Jane sa kanyang showbiz career, at sa kabila ng marami ang nagduda sa kanyang abilidad at kakayahan kung mabibigyan niya ng buhay ang pagigng Pinay Iconic Super Hero, ay pinatunayan naman talaga niya sa lahat na kaya niya. Sa ngayon ay marami ang talagang bumilib sa kanyang galing sa pagiging ‘Darna’ ng henerasyon ngayon.

Samantala, bago naging artista at ‘Darna’ ng henerasyon ngayon, ay aminado si Jane na hindi naging madali ang pinagdaanan niya sa buhay. Kamakailan nga lamang ay nakapanayam si Jane ng broadcaster na si Karen Davila, at dito ay ikinuwento niya ang buhay nila ng kanyang pamilya bago siya naging si ‘Darna.’

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Kuwento ni Jane, noon ay maayos naman ang buhay ng kanyang pamilya dahil mayroong negosyo ang kanyang mga magulang, subalit naloko ang kanyang ama ng matalik nitong kaibigan at dito na nagsimula ang hirap ng buhay nila. Na-depress umano ang kanyang ama, at para makaraos, kinailangan nilang ibenta ang kanilang sasakyan at kung noon ay sa pribadong eskwelahan sila nag-aaral ng kanyang kapatid, ay lumipat sila sa pang publikong paaralan, dahil na rin sa pagiging kapos nila.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Ibinahagi din ng Kapamilya actress, na talagang naranasan nila ang hirap ng buhay, kung saan nabaon sila sa utang at halos wala na silang makain. Saad pa niya, naranasan nilang mag-ulam ng asin at toyo’t mantika sa kanin.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Mas lalo pang nawindang ang buhay nina Jane ng pumanaw ang kanyang ama, anim na taon na ang nakalilipas. Aminado din siya na dahil ‘papa’s girl’ siya ay talaga namang masakit para sa kanya ang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na ama, ngunit kinailangan niyang maging matatag at mas nagpatatag din sa kanya ang paniniwala at pagtitiwala niya sa Diyos.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Sa ngayon ay masasabi ni Jane na masaya siya dahil naiahon na niya ang kanyang pamilya sa kahirapan, ngunit ang tila ‘regret’ lang niya ay ang hindi na ito naabutan ng kanyang ama.

Para kay Jane isa sa mga aral na natutunan niya sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay ay ang hindi pagsuko, “Don’t give up”, aniya. Ang paborito naman niyang Bible verse ay ang Philippians 4:6 na nagsasaad na “Don’t worry about anything, Instead, pray about everything.”

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Makikita naman natin ngayon kung gaano pinabibillib ni Jane ang publiko sa pagiging si Darna niya, marami man ang nagduda sa kakayahan niya noong una, pinatunayan naman niya sa lahat na siya’y may ibubuga.

error: Content is protected !!